Lolo na nakatira na sa bangketa, gusto nang makita at humingi ng kapatawaran sa mga anak na kaniyang napabayaan

  • Isang lolo na sa bangketa na lamang nakatira ang nais nang umuwi sa kaniyang pamilya sa Bicol at makitang muli ang mga anak na kaniyang iniwan
  • Pumunta ang lolo sa Maynila at iniwan ang pamilya sa pagbabakakasalikang umunlad ang kaniyang buhay, ngunit pagkatapos ng mahabang taon ay nabigo siya
  • Pagkatapos ipa-check up ay mayroong tutulong sa nasabing lolo upang makauwi na ito sa kaniyang pamilya

Sa ulat ng GMA News,  kanilang pinuntahan si Lolo Bernardo Catacutan Jr. sa tinitirahan niyang bangketa matapos makita ang nakalulunos niyang kalagayan sa social media. Sa isang bangketa sa Sampaloc, Maynila na lamang natutulog ang nasabing lolo na nanghihina na.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Sa kaniyang panayam sa GMA News, sinabi ni Lolo Bernardo na ang tanging hiling na lamang niya ngayon ay makauwi sa kaniyang pamilya sa Bicol at makahingi ng tawad sa mga anak na kaniyang inabandona.

Sa kuwento ng lolo, iniwan niya ang kaniyang pamilya sa Camarines Sur at lumuwas sa Maynila upang maghanap-buhay at magbakasakaling gumaan ang kanilang pamumuhay.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Ngunit sa nakalipas na 30 na taon ay wala umanong magandang nangyari sa kaniya sa Maynila at puro kamalasan na lamang ang natamo. Hanggang noong 2010 ay dinapuan si Lolo Bernardo ng matinding karamdaman.

Ngunit higit sa kaniyang kagustuhan na bumuti ang kaniyang kalusugan, mas ninanais niyang makauwi sa kaniyang pamilya at makapiling muli ang tatlong anak na kaniyang naiwan.

“Nami-miss ko sila… anak ko po ‘yan, sa akin po nanggaling ‘yan. Ama ako kahit na nagkaganito ako, ama pa rin  ako. Gusto kong ibigay sa kanila ang lahat ng kaligayahan kaya lang hindi ko nagawa,” ani ng lolo na humingi ng tawad sa kaniyang mga anak.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Pinaalam ng GMA News sa Manila Social Welfare Departmentang kalagayan ni Lolo Bernardo na kanila namang dinala sa ospital upang masuri. Dito ay niresitahan siya ng gamot at dinala pansamantala sa shelter sa Delpan Sports Complex.

Sa shelter muna mananatili si Lolo Bernardo habang inaayos pa ng mga tutulong sa kaniya ang mga hakbang upang siya ay makauwi na sa kaniyang pamilya sa Bicol.


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: