‘Lalagyan ng bigas’: Andi ibinahagi kung bakit may dalang container habang nakaangkas sa motor ng partner

Images via Happy Islanders and Contessa Aubrea Paraico-Carnaje | YouTube/Facebook
  • Kamakailan ay naging trending sa social media ang larawan ng aktres na si Andi Eigenmann dala ang isang container habang nakaangkas sa motor ng kaniyang partner
  • Mayroon kasi itong bitbit drum at para bang hindi alintana ang celebrity status niya
  • Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Andi na bumili lamang siya nito para gawing lalagyan ng black rice nila

Naging trending kamakailan sa social media ang litrato ng aktres na si Andi Eigenmann na may dalang container habang nakaangkas sa motor ng partner niya na si Philmar Alipayo. Wika ng netizens, kahanga-hanga dahil para bang hindi niya na alintana ang kanyang celebrity status simula nang yakapin niya ang isang simpleng buhay sa isla.

Image captured from Instagram

Pero para saan nga ba ang malaking lalagyang ito?

Sa kanyang recent Instagram story, ibinahagi ni Andi na kailangan nila ito para gawing lalagyan ng black rice, upang matiyak na malinis ito at ligtas kainin. Wika niya habang nagre-react sa isang article tungkol sa kanya, “Oh, man. I just really needed the balde to store my black rice in and keep it from getting molds and bugs!”

Andi on her happy island life: Dito ako nababagay, I don’t own cars, designer clothes, bags, wala na lahat

Nitong nakaraan ay naantig din ang marami nang mabasa ang post ni Andi sa Facebook page nila ni Philmar na Andi and Philmar, kung saan ay ibinahagi niya na masaya siya ngayon sa simpleng buhay sa isla at naniniwala siyang iyon ang tamang lugar para sa kanya.

“Na-realize ko lang na itong lugar na ‘to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need. I don’t own cars, any designer clothes, bags — lahat ng mga pang-artistang ‘yan, makeup, lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat,” aniya.

Taong 2018 nang ibahagi ni Andi sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng professional surfer na is Philmar; ang kampeon ng unang Philippine Surfing Championship Tour (Men’s Shortboard Division, 2017).

Image captured from Instagram

Noong huling araw ng 2019, ibinahagi ni Andi na wala na siyang mahihiling pa at kuntento na sa kasalukuyang buhay kasama ang kanyang munting pamilya.

Image captured from Instagram

“Spending the last day of 2019 the best way we know how! Enjoying the day out with each other with some sun sand and the sea! I am incredibly grateful to have these three and my life…my favorite people in the world! You three brought so much light and joy into my life and I only wish to be able to spend a zillion years with you guys to give all that love back!” saad niya.