Kulay orange na kalabaw, makikita sa Kidapawan City

  • Ang kalabaw ang itinuturing na isa sa mahahalagang hayop dito sa Pilipinas dahil sa itinutulong nila sa pagsasaka
  • Itim o puti ang karaniwang kulay ng mga kalabaw, ngunit isang kalabaw na makikita sa Kidapawan City ang agaw-pansin dahil kulay orange ito
  • Ayon sa may-ari nito, albino ang nasabing kalabaw at noong una ay kulay puti ito ngunit sa pagtagal ay naging kulay kahel na

Kilala ng maraming Pinoy ang kalabaw bilang isa sa pinakamasipag na hayop dito sa Pilipinas. Sila kasi ang katuwang ng mga magsasaka sa pag-aararo ng lupa na tatamnan.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Karaniwang matatagpuan ang mga kalabaw sa probinsya kung saan maraming Pinoy na ang ikinabubuhay ay ang pagsasaka. Bukod sa kanilang sipag, pinagkukunan din ang kalabaw ng karne.

Itim ang kulay ng mga kalabaw. Biro pa nga ng ibang Pinoy, itim ang kanilang kulay pagkat babad sila sa araw dahil sa kanilang trabaho sa bukid.

Ngunit paano kung makakita ka ng kalabaw na iba ang kulay bukod sa itim? At ito naman ay hindi kinulayan o ginawan ng eksperimento⁠ — sadyang ito na talaga ang kaniyang kulay simula pagkapanganak.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kamakailan, iniulat sa programang Unang Balita ng GMA ang tungkol sa kalabaw na agaw-pansin dahil sa kaniyang kulay na matatagpuan sa  Brgy. Kalaisan sa Kidapawan City.

Ang kalabaw kasi na ito ay kulay orange o kahel, kakaiba sa mga kalabaw na karaniwang kulay itim o puti. Ayon sa may-ari ng kalabaw, albino umano ito kaya ganoon ang kulay.

Noong ipinanganak ang kalabaw ay kulay puti umano ito, ngunit habang tumatagal at tumatanda na rin ang nasabing kalabaw ay nagkulay kahel ito.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Ngunit kakaiba man ang kulay ng kalabaw na ito, kapareho din naman niya ang mga ordinaryong kalabaw na katuwang ng kanilang may-ari sa pagsasaka.

Upang ipagdiwang ang kalagahan ng kalabaw dito sa bansa, nagkakaroon ng Carabao Festival sa mga probinsya ng Bulacan, Nueva Ecija, at Rizal tuwing Mayo.

Sa selebrasyon na ito, binibigyang pugay ang mga magsasaka at kanilang mga kalabaw dahil sa malaking naitutulong nila sa bansa sa kanilang mga isinasaka.


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: