Jollibee ipinakita ang “new normal” ng kanilang dine-in

  • Sa new normal, ipatutupad ng Filipino fast food chain na Jollibee ang ilang safety measures at sanitation protocols para maprotektahan ang dine-in customers
  • Mula sa mga staff, crew, guards, loob ng store, at ang kanilang take out counter, mahigpit na ipatutupad ang protocols na ito
  • Para naman sa mga customers, may mga itinalagang markers upang masiguro pa rin ang social distancing at ipatutupad rin sa kanila ang safety measures

Marahil isa ka rin sa mga atat na atat nang pumunta sa mga paboritong fast food restaurants dahil sa pagka-miss sa mga pagkain dito. Ngunit hindi tulad ng nakasanayan dati, binago na ng COVID-19 pandemic maski ang paraan ng pagkain sa roob ng paborito nating restaurants.

Imahe kuha mula sa video ng Jollibee via Facebook

Kamakailan, inilabas ng Filipino fast food chain na Jollibee ang kanilang bagong setup para sa new normal ng mga nais magdine-in sa loob ng kanilang store. Sa ngayon ay bukas na for dine-in ang ilang piling branches ng nasabing fast food chain habang sumasailalim sa mahigpit na safety measures and protocols ang mga tauhan ng store.

Mag-uumpisa ang protocol sa paghahanda ng staff at crew pagpasok pa lamang sa store. Lahat ng staff ay sasailalim sa mandatory temperature checking bago papasukin sa loob. Habang nasa loob ay nakasuot din sila ng full protective gear habang ipinatutupad pa rin ang social distancing, regular na paghuhugas ng kamay, at sanitation.

Imahe kuha mula sa video ng Jollibee via Facebook

Ang buong store—kabilang na ang mga ginagamit na lutuan at utensils—ay sasailalim sa isang intensive cleaning at sanitation bago, habang, at pagkatapos ng business operation. Magbibigay din ng vitamins at supplements sa mga staff upang mapanatiling mabuti ang kanilang immune system.

Habang ang mga customer naman na papasok sa store ay dadaan sa tatlong proseso: una ay ang pagtapak sa disinfectant mats, pangalawa ay kinakailangang sila ay nakasuot ng face mask, at ikatlo ay susuriin ang kanilang body temperature.

Imahe kuha mula sa video ng Jollibee via Facebook

Ang karaniwang surface na hinahawakan sa loob ng store tulad ng door knobs, handles, at iba pa ay sasailalim sa disinfection kada 30 minuto. Magkakaroon din ng harang na plastik sa pagitan ng customers habang nasa cashier at mayroon ding markers upang mapanatili pa rin ang 1-meter social distancing.

Ganito man kakomplikado ang mga bagong patakaran sa loob ng fast food chains, wala pa rin virus ang makapipigil sa pagka-miss nating mga Pinoy sa mga paborito nating fast food. Ngunit sa pagkakataong ito, ay mayroon nang dobleng pag-iingat habang umoorder at kumakain.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: