Guro nagsuot ng Encantadia costume upang aliwin ang mga estudyante sa kanilang remote enrollment

  • Gumawa ng paraan ang isang guro upang mapasaya ang mga estudyante habang isinasagawa ang remote enrollment
  • Kada araw kasi ay iba-ibang karakter ng Encantadia ang costume na isinusuot ng nasabing guro
  • Tulad ng kaniyang mga costume, mayroon ding kapangyarihan ang guro at ‘yun ay pagbibigay ng angkop na impormasyon at kaalaman sa mga magulang tungkol sa new normal ng edukasyon

Ngayong buwan na sana ang umpisa ng pasukan ng mga mag-aaral, ngunit  dahil sa coronavirus ay ginawa na lang ang remote enrollment upang hindi na lumabas pa at pumunta ng paaralan ang mga estudyante at kanilang magulang .

Imahe mula sa Department of Education via Facebook

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla , “Ang unang gusto po natin mangyari ay remote ang mangyayaring enrollment. Ibig sabihin ‘yung mga estudyante po natin na Grade 1 to Grade 12, sila po’y kokontakin ng kanilang mga advisers, ‘yung previous advisers nila.”

Sa Facebook page ng DepEd, ibinahagi nila ang kuwento ng isang guro na may naisip na pakulo upang mapagaan at mapasaya ang remote enrollment ng mga estudyante na kaniyang pinupuntahan.

Kada araw kasi ay iba-ibang Encantadia costume ang isinusuot ng gurong si Teacher Lorena Dela Cruz mula  Lamao Elementary School sa Bataan habang isinasagawa ang remote enrollmenr para sa school year 2020-2021 ng kanilang paaralan.

Imahe mula sa Department of Education via Facebook

Sa loob ng dalawang linggo, iba’t ibang karakter sa Encantandia ang kaniyang costume sa pagpunta sa mga tahanan ng mga estudyanteng mag-e-enroll. Ayon kay Teacher Lorena, noon pa man bago pa ang nangyaring pandemya ay ginagamit na niyang halimbawa sa pagtuturo ang mga kabutihang-asal sa Encantadia upang makuha ang atensyon ng kaniyang estudyante.

Katulad ng mga karakter sa Encantadia, mayroon din umanong kapangyarihan si Teacher Lorena, at ito ay ang pagbibigay ng angkop na impormasyon at kaalaman sa mga magulang tungkol sa mangyayaring new normal sa edukasyon.

Imahe mula sa Department of Education via Facebook

Sa ilalim ng new normal, hindi lahat ng magulang at mga estudyante ay mayroong angkop na gadget para sa online learning. Ngunit ayon kay Teacher Lorena, hindi ito hadlang para hindi nila maipagpatuloy ang pag-aaral at handa naman umano silang nga guro na pumili ng angkop na modular na pamamaraan ng pagtuturo.

“Ani Teacher Lorena, mahalagang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng edukasyon sa kabila ng nararanasang pandemiya, dahil ito ang magsisilbi nilang sandata at kalasag tungo sa magandang kinabukasan,” saad ng Facebook post.

Kudos sa mga tulad ni Teacher Lorena na hindi lang hangad ang magandang edukasyon sa mga estudyante kundi pati na rin ang kaligayahan ng kanilang mga estudyante sa panahon ngayon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: