Kuwento ng Pagsisikap: Guro naging online seller matapos mawalan ng trabaho dahil nagsara ang kanilang paaralan

  • Sa isang Facebook post, tampok ang kuwento ng isang private pre-school teacher na nawalan ng trabaho dahil sa nangyayaring pandemya
  • Upang kumita pa rin ng pera, ang teacher na ito ay naging online seller ng mga pagkain at face masks
  • Nalungkot ang nasabing teacher na hindi na nakapagpaalam sa kaniyang mga estudyante

Maraming nakalulungkot na kuwento at balita ang ating naririnig araw araw lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Ang mga kuwentong ito ay ibinabahagi rin online kung saan ay mas marami ang makaaalam at makasisimpatiya.

Imahe mula sa Department of Education via Philippine News Agency

Mga Pinoy na nawalan ng trabaho, tirahan, pagkakakitaan, at mga mahal sa buhay ang kalimitang kuwentong nalalaman online na nagiging viral pa. Ngunit ang paglaganap ng mga kuwento at balitang ito sa social media ay nagiging daan din upang matulungan sila ng mga taong nais mag-abot ng tulong.

Sa Facebook post ng GMA News reporter na si Bernadette Reyes, ibinahagi niya ang kuwento ng isang guro na nawalan ng trabaho dahil sa nangyaring pandemya.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Siya ay si Teacher Sunshine Gonzales, isang private pre-school teacher na nawalan ng trabaho dahil nagsara ang paaralan kung saan siya nagtuturo.

Dahil mababa ang bilang ng mga batang nag-enroll sa private school nina Teacher Sunshine, napilitan itong magsara.

Upang magkaroon naman ng pagkakakitaan si Teacher Sunshine ay naging online seller siya ng tapa, tocino, longganiza, at maski face masks.

“Ang laki ng difference sa kita. Hindi kasya, hindi sapat lalo na kung may nag aaral kang anak. Hindi siya stable unlike sa nagtuturo ka kasi may regular kang salary,” ani Teacher Sunshine.

Imahe mula kay Bernadette Reyes via Facebook

“Miss ko na kayo. Mag-aral kayong mabuti, magpakabait kayong lahat,” ang mangiyak-ngiyak na mensahe ni Teacher Sunshine sa kaniyang mga estudyante.

Hindi man lang umano nakapagpaalam nang mabuti ang guro sa kaniyang mga estudyante sa pagtatapos ng kanilang klase. Ayon naman sa post ni Bernadette Reyes, marami pa ang katulad ni Teacher Sunshine na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang pribadong paaralan.

“Sa taya ng Coordinating Council of Private Educational Associations, nasa mahigit 370,000 na mga faculty members ang apektado ng no work, no pay o tumatanggap ngayon ng pay cut sa mga private institution dahil sa pandemic.”

Laban lang po!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: