COVID-19 task force, papayagan na ang grupo ng nasa 10 katao na bumisita sa sementeryo

  • Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagdalaw ng mga maliliit na grupo sa sementeryo
  • Ang grupo na ito ay kinakailangang hanggang sampung katao lang upang mapanatili pa rin ang physical distancing
  • Ang probisyon na ito kasama ng iba pang bagong quarantine regulations ay naipasa na kay Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahang mababanggit sa susunod niyang nation’s address

Marami ang binago ng pandemya; hindi lang sa pamumuhay nating Pinoy kundi pati na rin kung paano natin gawin ang mga bagay na nakasanayan na natin.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Kung dati ay malaya tayong nakapupunta at nakapapasyal sa mga lugar na nais natin, ngayon ay hindi pa maaaring puntahan ang ilang lugar at probinsya dito sa bansa dahil sa banta ng pandemya.

Kung noon ay malaya tayong nakapupunta sa katabing tindahan upang bumili ng paborito nating pagkain, ngayon ay kinakailangan pa nating magsuot ng face mask at tignan kung bukas pa ba ang tindahan o kasama na ito sa mga sobrang naapektuhan ng pandemya kaya nagsara.

Noon ay walang limitasyon sa araw at oras sa tuwing bibisitahin natin ang mga mahal natin na napahimlay na, ngunit ngayon ay may limitasyon na at halos ‘di na rin pinapayagan na pumunta muna rito.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Ngunit kamakailan ay mayroong magandang balita ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa mga Pinoy na nais nang dalawin ang mga mahal sa buhay na nasa sementeryo.

Sa bagong pobisyon na ginawa ng task force, papayagan na nila ang grupo ng hanggang sampung katao na pumunta sa sementeryo sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Imahe mula sa Philippine News Agency

“The IATF added a new provision wherein visits to memorial parks and cemeteries are allowed but should be limited to groups of 10 or less,” ani Roque.

Ang mga bagong quarantine classifications sa IATF ay naipasa na kay Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahang babanggitin na siya sa susunod na nation’s address ng pangulo.


Loading...
Source :

Philstar, Rappler

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: