Cheese ring na may malaking “Lumpia” sitsirya sa loob, kinaaaliwan

  • Pinag-uusapan ngayon online ang tungkol sa sitsiryang nabili ng isang netizen dahil sa sukat ng isang piraso nito
  • Ang dapat na maliit na cheese ring lamang ay halos kasing laki ng ng sitsiryang “Lumpia”
  • Ayon naman sa mga netizen na nag-comment, baka tinamad na maghati ng cheese ring kaya ganun na lamang kalaki ang pirasong nakita

Ano ang paborito mong kinakain na sitsirya noon magpahanggang ngayon? Pamilyar ka ba sa Dingdong? Tomi? Bangus? Boy Bawang? Cheese Ring? at Lumpia?

Imahe mula sa Regent Foods Corporation via Facebook

Kung pamilyar ka sa mga nabanggit na sitsirya ay marahil nakita mo na rin ang trending ngayon online na sitsiryang nakuhanan ng litrato ng isang netizen.

Ang sitsirya kasi na ito ay ang Cheese Ring ng Regent Foods Corporation na gustong-gustong kainin ng maraming Pinoy dahil sa malasa nitong cheese flavor. Nakatutuwa rin ang sitsiryang ito dahil sa bilog-bilog na hugis na maaari mong ipasok sa iyong mga daliri.

Ngunit hindi natuwa ang netizen na si Ica Vasquez sa nabiling Cheese Ring, imbes kasi na maliliit na bilog-bilog ang laman nito ay isang malaking piraso na kasing laki ng lumpia ang kaniyang nakita sa loob.

Imahe mula kay Ica Vasquez via Facebook

Pagbibiro pa ng uploader, kailan pa umano nagkaroon ng “collaboration” ang Cheese Ring at ang sikat ding sitsirya na “Lumpia.”

Ang nasabing post ni Ica ay umani na ng 32,000 reactions na halos puro “HAHA” at 65,000 shares mula sa mga netizen na pamilyar sa sitsiryang Cheese Ring at Lumpia.

Imahe mula kay Ica Vasquez via Facebook

Ayon naman sa mga nag-iwan ng comment sa post, marahil ay tinamad na umano hatiin ng Regent ang Cheese Ring kaya isang buo na ang nailagay sa loob ng pakete. Habang may nakapagsabi na “freebie” ang malaking piraso ng cheese ring na ito.

Kilala ang Regent sa iba pang sikat na sitsirya ng mga Pinoy tulad ng Snacku, Sweet Corn, Tempura, at mayroon din silang mga biscuit tulad ng Potato Crackers.

Hindi ka pamilyar sa mga sitsiryang ito? Marahil ay rich kid ka kasi.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: