‘Cake-pamilya’: Pastry chef sa Tacloban, gumawa ng ABS-CBN-inspired birthday cake

  • Gumawa ng ABS-CBN-inspired cake ang isang pastry chef mula sa Tacloban City para ipagdiwang ang kanyang kaarawan
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Mark Anthony Dago-oc Broñola ang larawan ng kanyang birthday cake
  • Napansin ito maging ng nasabing network at ibinahagi ang kuwento kung bakit ito ang napili niyang gawing disensyo ng cake para sa kanyang espesyal na araw

Gumawa ng ABS-CBN-inspired cake ang isang pastry chef mula sa Tacloban City para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kamakailan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Mark Anthony Dago-oc Broñola ang larawan ng kanyang birthday cake at sinabi na ito ang kanyang paraan upang magpahayag ng suporta sa Kapamilya Network.

“Happy birthday to myself!” saad niya sa caption ng litratong ini-upload niya kamakailan. Aniya, ang imaheng nilakipan niya ng #LateUpload ay ang mismong inihanda niya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan noong Mayo.

Napansin maging ng nasabing network ang kanyang post at ibinahagi sa kanilang social media page at website kung bakit ito ang napili niyang gawing disensyo ng cake para sa kanyang espesyal na araw

“‘CAKE-PAMILYA’. Isang pastry chef sa Tacloban City ang gumawa ng birthday cake na ang disenyo ay logo ng ABS-CBN,” saad sa post ng ABS-CBN sa Facebook page nito.

“Nang magdiwang ng kaarawan si Mark Anthony Dago-oc Broñola, nagpasya siyang gumawa ng cake na hango sa Kapamilya network. Paraan niya ito para magpakita ng suporta sa pagpasa ng #ABSCBNfranchise,” pagpapatuloy ng network.

Makikita sa disenyo ng chocolate cake ang mga kulay na sumisimbolo sa network: pula, berde, at asul. Mayroon ding kamao sa gitna nito, bilang simbolo raw ng mensahe na, “Laban, Kapamilya.” Nakalagay din dito ang personal na detalye ng pastry chef na may kaarawan: Marquee @ 30.

Image captured from Facebook

Hinangaan ng maraming social media users ang ABS-CBN-inspired cake, na halatang pinaghirapang gawin at idisenyo ng birthday boy.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: