Birthday wish ni Mayor Vico Sotto, maiayos na ang COVID hazard pay ng Pasig City employees

  • Ipinagdiwang kamakailan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kaniyang ikaw-31 na kaarawan
  • Bago ang kaniyang kaarawan ay ibinahagi ni Mayor Vico ang kaniyang ginawang mga hakbang upang maisaayos ang COVID hazard pay ng mga empleyado ng city hall
  • Hiniling ni Mayor Vico na birthday gift na sa kaniya ang maiayos ang COVID hazard pay

Isang araw bago ipagdiwang ni Pasig City mayor Vico Sotto ang kaniyang kaarawan ay mayroon siyang ibinahagi sa kaniyang official Facebook page.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

Kuwento ng “millennial mayor,” dahil umano nakita niya ang mga mali sa COVID hazard pay ng mga empleyado ng kanilang lungsod ay siya na mismo ang pumunta sa kanilang Human Resources (HR) department.

Ani Vico, nakipag-usap siya sa HR Head at “seryosong” biro na hiniling na birthday gift na lang sa kaniya ang maisaayos ang COVID hazard pay ng mga empleyado.

“Pinangako nila na maaayos natin ito. Umaasa ako na sa loob ng 30 araw, 100% nakuha na ng bawat isa ang nararapat nilang makuha,” pagbabahagi ni Mayor Vico sa kaniyang post.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

Dagdag pa niya, kung mayroon umanong mali sa komputasyon ng kanilang hazard pay ay ipagbigay alam na lamang sa pinuno ng kanilang departamento.

Ngunit mayroon ding pakiusap ang Pasig City mayor sa mga nasasakupan. Ito ay isa-isa niyang inilista sa nasabing FB post. Una, sinabi niyang karapatan ng mga empleyado ang magreklamo, ngunit sana ay hindi sa paraang galit at bastos.

“Bago kayo magalit, ‘ika nga, put yourself in the other person’s shoes,” dagdag pa ni Mayor na sinabing hindi ganun kadali ang trabaho ng HR at kung tutuusin ay umayos na ang kanilang sistema.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

“Magpasalamat tayo dahil swerte pa rin tayong mga nasa gobyerno. Ngayong krisis, nung nag-ECQ, tayo lang ang tuloy-tuloy na sumusweldo na walang pangamba na baka mawalan tayo ng trabaho,” pagpapaalala ni Vico.

At ang panghuli niyang paalala sa mga city employees ay ang laging pagtupad sa social distancing at pagsuot ng face mask lalo na sa tuwing haharap sa kliyente.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: