Beacon of hope: Sunflowers sa UP, muling namumulaklak

  • Patuloy pa rin ang pamumukadkad ng mga sunflower sa University of the Philippines (UP) sa gitna ng pagsususpinde ng graduation at pasok ng mga estudyante
  • Naging tradisyon na ng UP ang pagbibigay ng sunflower sa mga magtatapos na estudyante bilang simbolo ng pag-asa
  • Karaniwang itinatanim ang mga sunflower sa UP upang pagdating ng graduation ay namumulaklak na ang mga ito

Taong 1980’s nang mapagdesisyonan ng Campus Landscaping Office and Arboretum (CLOA) sa pangunguna ni Dionisio Liwag ang pagtatanim ng mga sunflower sa kahabaan ng University of the Philippines bilang eksperimento.

Imahe mula sa University of the Philippines via Facebook

Ngunit ang eksperimentong ito ay nagpatuloy hanggang sa maging tradisyon na ng UP community ang paggamit ng mga sunflower sa pagdiriwang ng graduation kada taon. Ngunit paano ngayon na mayroong pandemya?

Kamakailan, lumabas ang balita na patuloy pa rin ang tradisyonal na pamumulaklak ng mga sunflower sa UP bilang selebrasyon ng mga magtatapos na estudyante.

Sa kabila ng suspensyon ng graduation at klase ng mga estudyante ay patuloy pa rin ang pamumulaklak ng mga sunflower na nagsisilbing magandan simbolo para sa mga Iskolar ng Bayan na magtatapos.

Imahe mula kay Celina Desiderio

Itinuturing ang mga sunflower bilang “beacon of hope” ng mga graduating students sa UP. Isang bagay na magbibigay pag-asa sa kanila na mayroong magandang patutunguhan ang lahat ng naging hirap at sakripisyo nila sa pag-aaral.

Karaniwang itinatanim ang mga sunflower sa takdang panahon upang sa pamumulaklak ng mga ito ay kasabay naman ng graduation sa unibersidad. Ngunit alam ba ninyo na nagkaroon ng problema ang mga nangangasiwa ng pagtatanim ng mga sunflower sa UP dahil sa calendar shift at nabago ang buwan ng graduation.

Imahe mula kay Mark Raterta | via Sulo

Dahil itinuturing na rainy season ang buwan ng Hunyo, naghanap ang University of the Philippines Diliman Campus Maintenance Office (UPD CMO) ng ibang paraan upang magpamulaklak ng mga sunflower sa panahon ng tag-ulan.

Sa kabutihang-palad, nakatuklas noong 2015 ang UPD CMO ng mga buto ng rain-resistant sunflowers. Kumpara sa nakagawiang sunflowers, mas maliit ang mga ito ngunit namumulaklak naman sa tag-ulan.


Loading...
Source :

Facebook, Rappler

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: