‘Bagong gimik’: Realistic character masks na ginagawa ng mag-ama, kinaaliwan sa social media

  • Kinaaliwan sa social media ang kakaibang gimik ng mag-ama sa mga mask na kanilang ibinebenta
  • Sa halip na tipikal na mask na gawa sa tela, realistic character mask ang iniaalok nila; mask na nakaaaliw na, ‘costume’ pa
  • Nag-viral sa Facebook ang mga mask na ito; anila, maaari ring magpa-costumize ang mga nais magkaroon nito

Sa gitna ng krisis na dala ng pandemya, hindi pa rin natitinag ang mga Pilipino sa pagiging maparaan at malikhain nito. At sa halip na bumigay sa hamong ito, lalo pa silang tumatatag at nakaiisip ng iba’t ibang paraan para maitawid ang mga pangangailangan — ang ilan sa mga paraang ito, nakapagdadala pa ng saya sa kabila ng mga kinahaharap na suliranin ngayon ng bansa.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Marianne Abelardo ang “bagong gimik” nila ng kanyang ama na si Rene Abelardo sa mga mask na kanilang ibinebenta. Sa halip na tipikal na mask na gawa sa tela, character mask ang iniaalok nila. Mask na, ‘costume’ pa. Kaya naman hindi na nakapagtataka na nag-viral ito sa social media. Anila, maaari ring magpa-customize ang mga nais magkaroon nito

“Bagong gimik namin ng tatay ko. Hahaha! Character mask,” ani Marriane. “Soon selling stocks! Puwede magpa-customize po. Any characters. All handmade po ito, puwedeng-puwede pang new normal!”

Nagustuhan ito ng maraming netizen at mahigit 9,000 ang nag-iwan ng kumento sa kanyang post. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil nagkaroon ng ibang mukha ang mask na kailangang isuot ngayon dahil sa pandemya; at para bang nagdulot ito ng pag-asa at inspirasyon sa marami na maaari pa ring maging postibo sa gitna ng kinahaharap ngayon ng bansa.

Marami na rin ang nagbigay ng suhestiyon sa mga posibleng maging disenyo ng realistic na character mask ng mag-ama. Bukas naman sila sa mga iminumungkahi ng customers at handang gumawa nang naaayon sa gusto ng mga ito.

As of writing, nakakuha na ng lampas 30,000 reactions at mahigit 36,000 shares ang nasabing post.

Image via Marianne Abelardo | Facebook

Update as of June 20, 2020:

Mayroon na rin silang new designs gaya ng joker at ibinahagi nila sa kanilang Facebook page na Hand Crafted Character Mask ang larawan ng  ilang satisfied customers.

Sikat na sina Kuya sa kanilang face mask! Nasa My Puhunan na rin siya with Karen Davila bukod pa sa feature ng iba’t ibang news sites.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: