Babaeng nagbigay ng maiinom na tubig sa isang stray dog, pinuri online

  • Sa isa ngayong viral post, ikinuwento ng isang netizen ang kaniyang nasaksihan sa labas ng isang restaurant
  • Habang nakapila ang isang babae, humingi ito ng tubig sa isang crew sa loob ng restaurant, at inakala ng netizen ay iinumin ito ng babae
  • Laking gulat ng netizen nang ipainom ng babae ang hininging tubig sa isang galang aso sa labas ng restaurant

Ano ang iyong unang reaksyon sa tuwing nakakakita ng galang hayop sa daan? Kinakabahan ka ba dahil baka ikaw ay makagat? Natatakot dahil baka ikaw ay habulin? O maghahanap ng patpat o bato upang kapag ang ito ay lumapit ay iyong itataboy?

Imahe mula sa Philippine News Agency

Ngunit paano kung ang asong gala na iyong makikita sa daan ay nanghihina na at kinakailangan nang makakain? Ano ang iyong gagawin? Pakakainin mo ba ito o hahayaan na lang na mangalkal ang aso sa basura upang mayroong makain?

Para sa isang babae, karapat-dapat lamang na ituring ang mga hayop bilang isang nilalang na mayroon ding nararamdaman: hayop man sila na pagmamay-ari ng iba o iyong mga gala lamang sa daan.

Isang babae ang pinupuri ngayon ng mga netizen dahil sa kabutihan na kaniyang ipinamalas sa isang galang aso na nag-aabang sa labas ng restaurant.

Imahe mula kay Alexis Joyce Cueno Pereña via Facebook

Sa viral post ngayon ng netizen na si Alexis Joyce Cueno Pereña, ikinuwento niya ang nasaksihang kabutihan ng hindi kilalang babae para sa isang aso sa labas ng mall sa Silang, Cavite.

Lunch break umano ni Alexis nang makita niyang pumasok ang isang babae habang sila ay nakapila sa labas ng restaurant. Sa loob ay humingi siya ng tubig sa isang crew at siya naman ay binigyan. Akala ni Alexis ay iinumin ng babae ang tubig ngunit nagkamali siya.

Imahe mula sa Philippine News Agency

“Nung inabot ng crew ‘yung tubig inisip ko baka naiinitan lang ‘yung babae, nagulat ako pagbalik niya sa pila namin tinawag niya ‘yung aso at pinainom niya ng tubig,” ani uploader.

Ang asong gala na halos nanghihina na dahil na rin sa init ng panahon ay nakaramdam ng ginhawa dahil sa ipinainom na tubig ng babae. “Halos maubos nga po ng dog ‘yung tubig,” kuwento pa ni Alexis.

“Di siya natakot pinainom niya ng tubig ‘yung aso siguro dahil sa mainit na din nun panahong ‘yun,” dagdag pa niya. Marami namang netizen ang pumuri sa kabutihan ng nasabing babae na hindi napangalanan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: