Babaeng na-hulicam na laging nagpapakain ng stray animals, may pagkakahawig kay Angel Locsin

  • Nakuhanan ng litrato ng isang netizen ang babae sa kanilang lugar na laging nagbibigay ng pagkain sa mga galang aso
  • Sinusubukan din daw ng babae na mag-uwi ng mga galang aso at pusa para maalagaan niya sa kaniyang bahay ngunit bumabalik din ang mga ito sa lansangan
  • Sa ginagawa ng babae, may nagsabi na kamukha nito si Angel Locsin na mahilig tumulong sa mga nangangailangan

Naisip mo na ba kung saan kinukuha ng mga galang aso at pusa sa daan ang araw-araw nilang kinakain? Mula sa pangangalkal sa basura pati na rin ang patagong pagkuha nila ng mga tira-tirang pagkain sa mga bahay, lahat ng ito ay pinagdadaanan ng stray animals.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Dahil walang mga may-ari, dumedepende ang mga hayop na ito sa kanilang sarili at sa ibang taong naaawa at nagbibigay ng pagkain sa kanila.

Para sa isang babae sa Quezon City, siya ang mismong pumupunta sa mga galang aso at pusa upang sila ay pakainin. Ang eksenang ito ay nakuhanan ng litrato ng isang netizen, at ngayon ay hinahangaan online.

Ang litratong ibinahagi ni Loie ay ipinost rin ng Philippine Star Facebook page at ngayon ay mayroon nang 48,000 reactions at 9,000 shares.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Sa litratong ito ay makikita ang isang babaeng nakatayo habang hawak ang kaniyang bicycle at pinagmamasdan ang mga stray cats at dogs na kumakain. Ayon kay Loie, ang babae ay kaniyang kapitbahay sa kanilang lugar at palagi nga itong nagpapakain ng mga galang hayop sa kanilang lugar sa Talipapa, Quezon City.

“She’s our neighbor from the same block and she feeds stray animals almost every day in our area. She even tries to bring home some of them but the dogs always go back to the streets,” ani Loie.

Mahahalata na pinuntahan mismo ng babae ang mga stray animals para lang pakainin. Sa kaniyang bike ay mayroong nakasabit na eco bag na maaaring pinaglagyan ng pagkain na ibibigay niya sa mga hayop.

Imahe mula kay Loie via Facebook

“This is why I always look out the window, I still see goodness in this world. I instantly feel good every time I see her [na nagpapakain ng stray animals],” dagdag pa ni Loie.

May nag-comment naman sa litrato na may pagkakahawig ang hindi pinangalanang babae sa artista na si Angel Locsin. Ang mga katulad nga nila ay tila anghel dito sa lupa dahil sa mga ginagawa nilang kabutihan dito sa mundo.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: