Arci Muñoz nagpalista bilang Air Force reservist, unang artistang babae ng kaniyang henerasyon na sasali sa Philippine Military

  • Nag-umpisa na sa training ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz sa ilalim ng Philippine Air Force
  • Nagpalista si Arci upang maging bahagi ng Air Force reserves, nag-umpisa na rin siya ng basic citizen’s military training
  • Si Arci ang unang babaeng aktres ng kaniyang henerasyon na sumali sa Philippine military

Ano ang iyong ginawa upang ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan?

Para sa Kapamilya actress na si Arci Muñoz, magandang regalo sa ating bansa sa pagdiriwang ng Independence Day ang pagbibigay ng serbisyo para sa bayan.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Sa mismong Araw ng Kalayaan ay ibinahagi ni Arci sa kaniyang Instagram account na nagsisimula na siya ng kaniyang training bilang Philippine Air Force reservist. Sa araw din na ‘yun ay ang umpisa ng kaniyang basic citizen’s military training.

“Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT – Basic Citizen Military Training,” ang caption ni Arci sa mga ibinahaging litrato habang nakasuot siya ng uniporme.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Sa kaniyang post ay hinikayat din ni Arci ang ibang kababaihan na sumali sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Reserve Force.

“Hinihikayat ko po ang aking mga kapwa kababaihan na mag enlist. Marami pong salamat sa aking Philippine air force family,” ani ng 31 anyos na aktres.

“Asahan n’yo po ang aking buong pusong dedikasyon at serbisyo,” pagtatapos ng aktres sa kaniyang post.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Si Arci ang pinakaunang female celebrity ng kaniyang henerasyon na sumali sa Philippine military. Noong 2012, ang actress-turned-politician na si Vilma Santos ay naging reserve officer ng Philippine Air Force (PAF) na may ranggong lieutenant colonel. Habang isa namang master sergeant sa Marine reserves si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.

Ang mga lalaking artista naman na sumali bilang AFP reserves ay sina Matteo Guidicelli, Ronnie Liang, Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Kiko Estrada, Ejay Falcon,  JM De Guzman, at iba pa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: