Animal shelter sa Southern Leyte, kailangan ng tulong para sa mga alagang aso

  • Humihingi ng tulong ang isang animal shelter sa Southern Leyte upang mayroon silang mapakain sa mga inaalagaang stray dogs
  • Kabubukas lamang ng animal shelter na ito noong Enero dahil nais ng mag-asawang may-ari nito na matulungan ang mga nakuhang stray dogs sa kanilang lugar
  • Ang nasabing animal shelter ay pinamamahayan ng 102 na aso, at kailangan nila ng tulong pinansyal

Hindi rin nakaiwas ang mga establisimiyento na nag-aalaga ng mga hayop tulad ng mga zoo at animal shelter sa hagupit ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Furry Tails Hinundayan via Facebook

Marami na ang mga napabalitang zoo at mga tanggapan na nag-aalaga ng hayop na nangangailangan ng tulong upang mayroong maipangbili ng mga pagkain na ibibigay sa mga alagang hayop.

Kamakailan, lumabas din online ang tungkol sa paghingi ng tulong ng isang animal shelter sa Southern Leyte na pinamamahayan ng mahigit 102 na stray dogs. Nangangailangan sila ng pondo upang may maibiling pagkain para sa mga aso.

Kabubukas lamang noong nakaraang Enero ng Furry Tails Hinundaya, isang animal shelter sa Hinundayan, Southern Leyte. Ito ay binuksan ni Donnabel Guinto at ng kaniyang asawa upang matulungan ang mga nahuling galang aso sa kanilang lugar.

Imahe mula sa Furry Tails Hinundayan via Facebook

Ayon kay Donnabel, ang mga nakuhang aso sa lansangan ay dinadala sa kanilang municipal compound at kung walang umangkin pagkatapos ng tatlong araw ay sinasailalim ang mga ito sa euthanasia.

Kaya naman naisipan nilang mag-asawa na kupkupin na lang ang mga stray dogs na ito dahil pitong taon na rin silang nagpapakain ng mga galang aso sa kanilang lugar.

“We had just built the shelter at the end of January this year because the Department of Agriculture started to capture strays in response to the anti-rabies act,” ani Donnabel.

Imahe mula sa Furry Tails Hinundayan via Facebook

Sa una, ang pondo ng animal shelter ay galing sa mga tulong at donasyon ng mga kaibigan ng mag-asawa na nandito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ngunit dahil sa pandemya, kumonti umano ang kanilang nakukuhang donasyon.

“We really need funds. And pondo po ng shelter since it started, galing po sa donations from friends here and abroad, and mismo po almost galing from our own pockets kaya worried po kaming mag-asawa kasi di sapat ang income namin. Apektado kami sa pandemic, halos wala na po nagdo-donate,” kuwento ni Donnabel.

Sa mga nais tumulong at magbigay donasyon, narito ang mga detalye:

BDO Account Name: Donnabel Guinto
Account no.: 006130317459
GCash: 09052602618
Palawan Express/Cebuana: Jonathan Guinto
Cellphone no.: 09052602618
PayPal: Donnabel Guinto

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: