ALAMIN: Paano nga ba ang opsyon na LalaJeep?

  • Inilunsad ng Lalamove at Quezon City government ang bagong delivery option na tinawag na “LalaJeep”
  • Layunin ng LalaJeep na matulungang mabigyan ng trabaho ang mga jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng COVID-19 pandemic
  • Hindi tulad ng nakagawiang biyahe ng jeep, sa LalaJeep ay gagamitin ang mga jeepneys bilang delivery service

Isa na marahil ang mga jeepney drivers sa labis na naapektuhan sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic dito sa bansa. Sa nakaraang halos apat na buwang community quarantine, hindi pa rin pinapayagan ngayon ang mga pampublikong transportasyon tulad ng jeepneys na mamasada sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Imahe mula Facebook

Mayroon na ring mga balitang lumabas na namamalimos na sa daan ang ilang jeepney drivers para lang may maipakain sa kani-kanilang pamilya.

Kaya naman upang matulungan ang libo-libong jeepney drivers na nawalan ng pagkakakitaan, inilunsad ng Quezon City government kasama ang delivery service app na Lalamove ang “LalaJeep”; ang pinakabagong delivery option sa Lalamove na makatutulong sa mga jeepney drivers na magkaroon ulit ng trabaho at pagkakakitaan.

Imahe mula Facebook

Ano nga ba ang LalaJeep?

Para sa mga naghahanap ng delivery service na maramihan ang maisasakay, ang LalaJeep ang maaari nilang i-book sa mobile app ng Lalamove. Ngunit sa ngayon ay available pa lang ang LalaJeep sa loob ng Quezon City, at hindi rin ito maaaring sakyan ng mga pasahero kundi mga bagay lamang.

Sa mga gustong gumamit ng LalaJeep, piliin lamang ang option na “LalaJeep” sa Lalamove app. Ilagay ang pick up at drop off points sa alinmang lugar sa Quezon City. Maaaring piliin ang “Deliver Now” o “Schedule for Later.” Maaari ding maglagay ng notes o reminders sa jeepney drivers, saka pipindutin ang “Place Order.”

Imahe mula Facebook

Ayon sa Quezon City Hall, nasa 30 jeepney drivers na ang bahagi ng proyektong LalaJeep. At layon nilang maparami pa ang mga ito ng hanggang 200 drivers. Nag-uumpisa sa P200 pesos ang pag-book sa LalaJeep na kayang mag-deliver ng hanggang 600 kg.

Ang perang kikitain ng mga LalaJeep drivers ay mapupunta sa kanilang gas at ang matitira ay maaari na nilang iuwi. Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 9,000 jeepney drivers ang mayroon sa Quezon City.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: