ABS-CBN news team nakaranas ng diskriminasyon sa Amerika, tinawag silang “disease carrier”

  • Sa isang ulat ng TV Patrol, naikuwento ng reporter na si TJ Manotoc na nakaranas sila ng diskriminasyon ng kapuwa reporter na si Ginger Conejero habang nasa Amerika
  • Sa kasagsagan kasi ng pag-record ni Ginger para sa news spiels ay mayroong lumapit na Amerikano at sinabihan sila ng hindi magagandang bagay
  • Sinigaw ng lalaki ang mga katagang “pigs” at “disease carrier”

Kahit nawala sa telebisyon ay patuloy pa rin sa paghahatid ng mga programa at balita ang ABS-CBN Network sa pamamagitan ng Facebook at YouTube live stream.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Lalo na sa panahon ngayon ng pandemya, mahalaga ang panonood ng balita upang malaman ang mga nangyayari sa ating bansa at maski na rin sa mga dayuhang bansa na labis ding naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng buong mundo na ang coronavirus ay nagmula sa siyudad ng Wuhan sa China. Dahil dito, marami rin ang mga napapabalitang hindi magandang pakitungo ng mga tao sa Chinese, at maski rin ang ibang Asyano tulad ng mga Pinoy ay naapektuhan.

Kamakailan, ikinuwento ng senior reporter ng TV Patrol na si TJ Manotoc ang naranasan nilang diskriminasyon at panlalait ng kapuwa reporter na si Ginger Conejero habang nasa Amerika sa simula pa lamang ng pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Ayon kay TJ, habang nagre-record sila para sa news spiels ay nilapitan sila ng isang lalaking Amerikano at sinigawan ng mga hindi magagandang salita. Ang pangyayaring ito ay nakuhanan sa camera.

Habang nagsasalita si Ginger sa harap ng camera ay sumigaw ang lalaki na nagpapaalala sa kanila ng “6 feet away” sa social distancing ng isa’t isa. Pagkatapos ay sinabihan pa silang “pigs” at “disease carrier.”

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Makikita naman sa video na hindi nagpatinag ang dalawang reporter. Sumagot si Ginger sa nasabing lalaki habang sinundan naman siya ni TJ upang kuhanan ng video. Sa video ay maririnig na sinabihan siya ng lalaki na “You’re a danger to society” na sinagot naman ni TJ na “You’re a racist.”

Nilabas umano nila ang kuwentong ito upang makiisa sa mga Pinoy na nasa ibang bansa na nakararanas ng diskriminasyon at panlalait. “Para mapakita natin na hindi tayo basta-basta bumibigay sa ganitong mga karanasan at dapat magtulungan pa nga tayo para ma-empower ang ating community,” ani TJ.

Panoorin ang buong ulat dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: