“Violet isaw”, viral ngayon sa social media

  • Viral ngayon sa social media ang kakaibang isaw na inupload ng isang netizen
  • Makikita kasi sa litrato na dahil daw sa food coloring, naging lila o violet ang kulay nito
  • Kasalukuyan namang pumalo na sa halos 30,000 shares ang naturang post

Madalas pag-usapan ng mga Pinoy ang mga bagay na sa tingin natin ay “kakaiba” o hindi na-aayon sa kung ano ang “normal”. Bukod kasi sa hindi pang-karaniwang itsura o anyo, na-iintriga rin tayong alamin ang istorya sa likod ng mga bagay na ganito. Ngunit hindi rin naman natin masisisi ang isa’t isa dahil aminin man natin o hindi, likas sa ating mga Pinoy ang pagiging curious o mausisa.

Imahe mula sa Facebook | Lhea Joy Pacquing

Ito marahil ang rason kung bakit nag-viral kaagad sa social media ang litrato ng isang kakaibang isaw. Sa halip kasi na “normal” ang kulay nito, naging violet o lila ang isaw dahil umano sa food coloring!

“Yung violet lang available na food color! Katakot kainin jusko,” pahayag ng uploader na si Lhea Joy Pacquing.

Sa ngayon, pumalo na sa halos 30,000 shares at mahigit 7,800 reactions ang naturang post. Umani rin ito ng samu’t saring reaksyon at komento mula sa iba pang netizens.

“Isaw ube flavor kayo dyan,” biro ni Jomar Santos. “Saddest isaw na nakita ko sa buong buhay ko,” sabi naman ni Marielle Valenzuela. “Para kang kakain ng bituka ng alien haha,” komento ni Jesse Medina. “Hahahahahaha. Hindi ko alam kung matutuwa ako or matatakot,” saad din ni Ann Rency Custodio Macahilas.

Imahe mula sa Facebook | Lhea Joy Pacquing

Bukod pa rito, kanya-kanyang tag din ang netizens sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Ilan nga sa kanila ay tila parang nandiri nang makita ang kulay na lila na isaw.

“Kahit favorite ko yan, kung ganyan ang kulay, ayoko na lang,” sabi ni Laurice Romero Cunanan. “Parang ang hirap kainin nito,” komento rin ni Jeandel Filomeno.

Ikaw? Ano ang masasabi mo tungkol dito? Bibili at kakain ka rin ba ng isaw kung ganito ang kulay? LOL!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: