‘Tisoy na paniki?’ Netizens namangha sa mga larawan ng puting paniking namataan sa Samal

  • Namangha at naaliw ang maraming social media users matapos makita ang larawan ng isang puting paniki 
  • Sa Facebook, ini-upload ng isang netizen ang mga litrato ng kakaibang klase ng paniki na nakita niya kamakailan sa Samal
  • Ayon sa regional office ng DENR, kasalukuyan pa nila itong iniimbestigahan sa ngayon dahil wala pang sightings ng puti o “albino” na paniki sa rehiyon 

Normal lamang na makakita ng itim na paniki, lalo na kung naroon ka sa mga lugar na madalas nitong puntahan. Ngunit nakakita ka na ba ng kulay puting klase nito?

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ini-upload ng user na si Didi Gigi Senajonon DS ang mga litrato ng puting paniki na nakita niya kamakailan sa Samal. Namangha at naaliw ang maraming social media users matapos makita ang mga larawan ng kakaibang klase ng lumilipad na hayop na ito, na madalas ay kulay itim at hindi puti.

Marami ang nagbiro na mestizo o tisoy na paniki ang nakita ng nag-post nito. Mayroon naman mga nagpatawa at sinabing marahil ay pumuti ang nasabing hayop dahil hindi ito gaanong nakapagliliwaliw dahil sa tagal ng community quarantine at sa mga nagsasabing iwasan munang pumunta sa matataong lugar sa kalagitnaan ng banta ng COVID-19; habang may mga nagsabi na baka nakagamit lamang ito ng whitening soap.

Mayroon din mga nanakot at nagsabing huwag nang pakialaman pa ang puting paniki dahil baka alaga ito ng isang engkanto o hindi kaya ay ito mismo ang engkanto.

Iba’t iba man ang kumento, isa lamang ang idinulot ng mga litratong ito sa karamihan: saglit na pahinga sa gitna ng mga nakapanlulumong balita. As of writing, nakakuha na ang nasabing post ng libo-libong reactions at halos 20,000 shares.

Ayon sa regional office ng Department of Environment and Natural Resources, iniimbestigahan pa nila ito sa ngayon dahil walang namang naitalang sightings ng puti o “albino” na paniki sa rehiyon sa kasalukuyan.

Image via Didi Gigi Senajonon DS | Facebook

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: