Tanda mo pa ba? Nakalimbag sa inside back cover ng textbook, naging isang libangan noon

  • Minsang naghatid ng tuwa sa mga estudyante ang nakalimbag noon sa inside back cover ng kanilang textbook sa paaralan
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga “young once” kung paano nila naging libangan noon ang nasabing bahagi ng libro
  • Marami pa rin ang nakaaalala ng nakagawian nilang ito kapag walang klase o hindi abala sa eskwela

Natatandaan mo pa ba ang nakalimbag noon sa inside back cover ng textbooks ninyo sa paaralan mo noong ikaw ay nasa mababang antas pa lamang? Minsang din ba itong naghatid ng tuwa sa iyo at sa iyong mga kamag-aral?

Image captured from Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng mga “young once” kung paano nila naging libangan noon ang nasabing bahaging libro.

“Sigurado ako tanda n’yo pa ‘to,” saad ni Aeron Dilla, ang social media user na nag-upload ng litrato ng parte ng aklat na nagsasaad ng mga dapat at hindi dapat gawin upang tiyakin na hindi ito masisira; lalo na at ang mga aklat na nasa pampublikong paaralan ay hiram lamang at nakatakdang gamitin pa rin ng mga susunod na batch.

Marami ang nagbalik-tanawa sa nasabing post; mga dating estudyante na nakagawian pagkatuwaan ito kapag walang klase o hindi abala sa eskwela. Anila, tinatakpan daw nila ang imahe ng lalaki na nakasenyas ng “bawal” at hinihiling sa kamag-aral na hampasin o pitikin ang imahe ng babae. Kapag ginawa ito ng kanilang kaklase, aalisin daw nila ang takip sa imahe ng lalaki at sasabihan ito na “lagot ka”.

Saad ng mga nag-iwan ng kumento, mababaw lamang ito kung tutuusin pero labis sila napapatawa at napapasaya ng sistema nilang ito noon, kahit pa paulit-ulit na lamang itong ginagawang bahagi ng biruan nilang magkakaklase.

Image captured from Facebook

Gayunman, kung iisipin ay maaari nitong masira ang libro kapag napalakas ang hampas dito o aksidenteng nahila o napunit ang pabalat sa gitna ng katuwaan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: