Social distancing nila miming sa QC, kinaaaliwan

  • Namataan at kinuhanan ng litrato ng isang netizen ang mga pusa sa isang barangay sa Quezon City
  • Kinatuwaan ang litrato ng mga pusa dahil ipinatutupad rin nila ang social distancing habang nakaupo sa mga markang bilog na inilagay sa lugar
  • Ayon sa uploader, mahigit sampung minutong nanatili ang mga pusa sa social distancing markers sa harap ng isang tindahan

Isa sa mga mabisang pang-iwas upang hindi mahawa sa mga taong mayroon o maaaring positibo sa COVID-19 ay ang social at physical distancing. Ang pagkakaroon ng limitasyon sa face-to-face na pakikipag-ugnayan sa ibang tao ang isa sa nakikita ng mga espesyalista na makababawas sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula kay Coleen Joice Aquino via Facebook

Ang inirerekomendang layo ng mga tao sa isa’t isa sa gitna ng COVID-19 pandemic ay isang metro man lang, at ito ang ipinatutupad ngayon sa mga pampublikong lugar kung saan ay maraming taong namimili o nakapila.

Upang masigurong umiiral ang social distancing sa bansa, naglagay ang ilang mga lugar ng markers sa daan kung saan dito maaaring tumayo ang mga Pinoy. Ang mga markers na ito ay may isang metrong pagitan sa isa’t isa at mahigpit na sinusunod ng mga Pinoy.

Ngunit hindi lang pantao ang mga social distancing markers na ito dahil maski mga hayop ay sumusunod sa social distancing sa isa’t isa!

Imahe mula kay Coleen Joice Aquino via Facebook

Sa Facebook post ni Coleen Joice Aquino, ibinahagi niya ang mga larawan ng mga pusa na kaniyang namataan sa harap ng isang tindahan sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakailan.

Maraming netizen ang natuwa sa mga litratong ito ng mga pusa habang nakapuwesto at nananatili sa mga social distancing markers sa lugar. Nilagyan ito ni Coleen ng caption na: “Social distancing daw sabi nila miming. Buti pa sila sumusunod. Good job.”

Imahe mula sa Facebook account ni April Salalinga/GMA News/Public Domain Image

Ayon pa sa uploader, isa-isa umanong pumunta sa mga bilog na markers ang mga pusa at nanatili doon ng hanggang sampung minuto. “Natuwa po ako kaya kinuhanan ko po sila ng pictures,” ani pa ni Coleen.

Buti pa sila! Mga pusa, naispatang sumunod sa social distancing

Matatandaang namataan din ng isang netizen ang social distancing din ng mga pusa sa harapan din ng tindahan sa may Marikina City naman. Nagpapatunay lang ito na kapag ginawa ang nararapat ay maraming maaaring sumunod at maging disiplinado ang iba.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: