‘Scary face masks’ ginawa ng isang designer para mapanatili ang social distancing

  • Upang makaiwas sa COVID-19, isang designer mula sa Iceland ang nakaisip ng paraan para na rin mapanatili ang social at physical distancing
  • Gumawa ng face mask ang designer sa pamamagitan ng paggagantsilyo, ngunit mga nakatatakot na disenyo ang kaniyang ginawang face mask
  • Paglilinaw ng designer, hindi umano nakatutulong ang ginawang face mask sa pag-iwas sa virus, ngunit ito ay kaniyang ginawa para lamang umiwas ang mga tao sa takot sa isa’t isa

Lahat ng maaaring pag-iingat ay palaging ipinapaalala sa publiko sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic. Paghuhugas ng kamay, pag-disinfect, paggamit ng alcohol at hand sanitizer, at pagpapatupad ng social at physical distancing.

Imahe mula sa video ng AFP via Philstar YouTube channel

Ngunit marami ang nahihirapang sundin ang social at physical distancing dahil nakasanayan na natin ang pakikihalubilo sa ibang tao. Kaya naman isang designer ang nakaisip ng paraan kung paano tuluyang mag-iiwasan ang mga tao.

Sa isang video mula sa AFP, itinampok ang face mask na gawa ng Icelandic designer na si Yrurari na maaari umanong magamit kung nais mong umiwas ang mga tao sa iyo.

Ang face mask kasi na kaniyang ginawa gamit ang paggagantsilyo ay mayroong mga nakatatakot na disenyo tulad ng mga nakalabas na dila at matatalas at nakatatakot na ngipin.

Imahe mula sa video ng AFP via Philstar YouTube channel

The idea is that the masks would be ‘scary’ because of the rule of keeping the distance. It was a kind of joke approach,” ani ng 27 anyos na designer sa isang panayam.

Ang mga face mask na ito ay gawa sa mga makakapal at mabibigat na sinulid na maingat na ginantsilyo ng designer. Umaabot umano ng hanggang sa sampung oras ang paggawa ng isa lamang na face mask. Ayon pa kay Yrurari , siyam na taon pa lamang siya ay natuto na siya ng paggagantsilyo.

Imahe mula sa video ng AFP via Philstar YouTube channel

I got strangely obsessed with knitting… I was always reading Donald Duck comics and knitting at the same time,” dagdag ng Icelandic designer. Paglilinaw pa niya, hindi umano nakatutulong ang kaniyang mga face mask upang makaiwas sa coronavirus,  bagkus ito’y magpapaalala lamang na dapat lumayo ang mga tao.  Aniya, “the fabric is not safe or anything, but it would keep people away.”

Wala rin umanong balak si Yrurari na ilabas ang mga face mask na ito sa publiko. Ngunit ilang museum na tulad ng Textile museums sa United States at Netherlands ang nagbigay ng interes sa face mask collection na ito ni Yrurari upang i-display sa kanilang museum, “as a reminder of these unusual times.”


Loading...
Source :

YouTube, Philstar

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: