San Miguel Corporation, nais isulong ang free mass testing sa mahihirap na lugar sa bansa

  • Sa ngayon, milyon-milyon na ang donasyon ng San Miguel Corporation para mapalakas ang laban kontra COVID-19 at mapalawak ang kapasidad ng COVID-19 testing dito sa bansa
  • Bukod sa mga relief goods, testing kits at machines, nais ding ipatupad ng SMC ang libreng mass testing sa mga mahihirap na lugar sa bansa
  • Hiniling din nila sa gobyerno na babaan ang presyo ng COVID-19 testing para naman sa mga manggagawang Pinoy

Hindi papipigil ang kompanyang San Miguel Corporation (SMC) sa pagbibigay ng tulong sa bansa upang labanan ang COVID-19 pandemic at matulungan ang mga Pinoy na makaahon sa krisis na ito.

Imahe mula San Miguel Corporation via Facebook

Kahit tigil operasyon ngayon ang SMC dahil sa lockdown, hindi naman ito naging hadlang upang hindi sila makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Kamakailan, hiniling ng multi-million conglomerate ang pagpapatupad ng libreng mass testing para sa pinakamahihirap na lugar dito sa bansa lalo na sa Maynila. Bukod sa mass testing, hiniling din ng SMC na babaan ang presyo ng COVID-19 testing sa bansa.

We need to be able to find a way to make testing accessible to all. Everyone should have equal access, not just those who have the means,” ani Ramon Ang, SMC President and Chief Operating Officer (COO). Aniya, sana ay maging abot-kaya ang presyo ng COVID-19 testing para sa mga regular na Pinoy at mga kompanya sa bansa.

Imahe mula San Miguel Corporation via Instagram

Ayon pa kay Ang, lubos ang kanilang ibinibigay na tulong sa gobyerno at mga kapuwa Pinoy upang mapalawak ang kapasidad ng COVID-19 testing dito sa bansa.

We are fully committed to helping all our Metro Manila LGUs increase their COVID-19 testing capabilities, in support of the national government’s expanded testing goals,” ani Ang.

Sa ngayon, milyon-milyon na ang naipamigay na relief goods at donasyon ng SMC. Bukod pa rito, nagbigay din sila ng personal protective equipment (PPE) sa daan-daang frontliners dito sa bansa.

Imahe mula San Miguel Corporation via Instagram

Nag-donate din ang SMC ng testing booths, testing kits, at mga bigatin na COVID-19 testing machines na nagkakahalaga ng milyon-milyon upang matulungan ang gobyerno na masugpo ang COVID-19 pandemic.

With these donations, we hope to help boost testing particularly in our less-fortunate communities where many underprivileged families are extra vulnerable, due to their living conditions,” dagdag ulit ni Ang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: