Salon-ready hair ng isang aso, kinaaliwan ng netizens

  • Naghatid ng good vibes sa social media ang litrato ng aso na may salon-ready hair
  • Biro kasi ng amo nito, gusto na raw niya sanang ibenta si “Straight” dahil magastos ang pagpapa-salon
  • Agad namang nag-viral ang naturang post at umani ng samu’t saring komento mula sa netizens

Kung ikaw ay mahilig sa mga hayop partikular na sa mga aso o pusa, siguradong naranasan mo na rin ang gumastos nang malaki para sa iba’t ibang pangangailangan nila. Sabi nga ng iba, para ka na rin daw kasing nagkaroon ng sariling anak kapag nag-alaga ka ng hayop kaya mistulang pati ang pagpapa-groom nila ay pinaglalaanan mo na rin ng kaukulang budget.

Imahe mula sa Facebook | Nico Repe Saspa

Kaya aminin man natin o hindi, talagang magastos ang magkaroon ng isang “alaga” pero dahil sa hatid nilang saya at pagmamahal, tila balewala ang halaga ng pera na inilalabas natin. Ngunit minsan, sa sobrang gastos, mapapa-“feeling worried” ka na lamang katulad ng netizen na si Nico Repe Saspa.

Sa Facebook post na inupload ni Nico, ibinida niya ang kanyang aso na mayroong salon-ready hair. Siya si “Straight” na animo’y isang “Hollywood star” dahil sa kanyang perfectly blow-dried hair. Biro tuloy ni Nico, ipagbebenta niya na ang aso dahil magastos at panay pa-salon.

“For Sale: Aso. Issue: Magastos. Panay pa-salon,” pahayag ni Nico sa caption ng kanyang post.

Agad namang nag-viral ang litrato ni Straight lalo na’t agaw-atensyon talaga ang “glamorous hair” nito. Hindi rin daw akalain ni Nico na mag-va-viral ang kanyang post.

“‘Di ko akalain na mag-viral ‘yung post ko. Nakakatuwa kasi si Straight, magastos nga lang,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Nico Repe Saspa

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 29,300 shares ang litrato ni Straight. Marami ring netizens ang naaliw sa aso at nagbigay ng samu’t saring komento.

“Daig pa buhok ko hahahahahaha,” biro ni Carl Lim. “Sarap tropahin neto, angas ng datingan,” sabi naman ni Riz Duran.

May mga netizens din na nag-tag sa kani-kanilang mga pamilya at kaibigan para ipakita ang hairstyle ni Straight. Ilan din sa kanila ang naging interesado na gawin ang ganitong “look” sa kanilang mga alaga. Hahaha!

Tunay nga, hindi magpapahuli ang mga Pinoy pagdating sa pagbibigay ng nararapat na pagmamahal at kalinga sa kanilang mga alagang hayop. Mabuhay ang mga pet lovers nating kababayan!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: