Prank gone wrong? Nico Bolzico hindi sinasadyang na-shave ang kaniyang kilay

  • Kilala ang Argentinian na asawa ng aktres na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico bilang “prankster,” na makikita naman sa kaniyang mga litrato at videos sa online
  • Ngunit isang prank para sa kaniyang asawa ang hindi sinasadyang naging totoo
  • Lolokohin lang dapat ni Nico si Solenn na kunwari ay na-shave ang kaniyang isang kilay, ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari, naging totoo ang prank

Marami nang videos ang nag-viral online dahil sa mga kalokohang hatid nito, tulad ng pagpa-prank. Ngunit ang ilan namang videos na sana ay prank lang ay hindi nagiging matagumpay kaya naman minsan ay mas nakakatawa ang mga ito.

Imahe kuha mula sa video ni Nico Bolzico via Instagram

Isa sa mga kilalang prankster online ay ang Argentinian at asawa ng aktres na si Solenn Heussaff na si Nico Bolzico. Ibinabahagi niya sa kaniyang Instagram account ang ilan sa mga videos at larawan niya na nagpapakita ng kaniyang mga kalokohan.

Kalimitan na itinatampok ni Nico sa kaniyang videos at mga larawan ay ang panloloko at jokes niya sa kaniyang asawa na mayroon namang nakakatawang reaksyon sa mga pinaggagagawa niya.

Ngunit kamakailan, isang prank na ipapakita sana ni Nico kay Solenn ang nauwi sa totoong pangyayari. Imbes kasi na kunwari lang niyang mase-shave ang isang kilay ay hindi sinasadyang nagkatotoo!

Imahe kuha mula sa video ni Nico Bolzico via Instagram

Ang video ng prank ay ibinahagi ni Nico sa Instagram at nilagyan ng caption na: NO! Do they grow fast? Just to be clear: THIS IS NOT A CHALLENGE. DO NOT DO THIS.

Mapapanood sa video na lolokohin lang sana ni Nico si Solenn gamit ang razor na kunwari ay mase-shave niya ang kaniyang kilay. Sinabi pa ng Argentinian na ire-record niya ang tunog ng razor sa kaniyang cellphone upang akalain ng kaniyang asawa na nakabukas ito sakaling ma-shave nito ang kaniyang kilay.

Imahe kuha mula sa video ni Nico Bolzico via Instagram

Ngunit sa hindi sinasadyang pangyayari, tila nalimot ni Nico na nakabukas ang razor at nang ipakita niya kung paano niya kunwaring mase-shave ang kilay ay tuluyan nga niya itong na-shave.

May nakakatawa namang reaksyon si Solenn sa nangyari sa asawa: Im not sleeping next to you till it grows back. Your so dumb sometimes

Ngunit sa sumunod na video na kaniyang inilabas, inamin ni Nico na edited lang ang pagkakawala ng kaniyang kilay at hindi umano ito totoong nangyari.


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: