Pinoy artist mula sa Ormoc City, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang “world-class” charcoal drawings

  • Usap-usapan ngayon sa social media ang Pinoy artist mula sa Ormoc City na si Emarson Tangil
  • Ito’y dahil sa kanyang angking galing pagdating sa charcoal drawing
  • Tampok din sa kanyang mga gawa ang ilang artista at personalidad gaya nina Pangulong Rodrigo Duterte, Ivana Alawi, at Marian Rivera

Ang pagiging malikhain ng mga Pinoy ay isa sa mga daan-daang bagay na puwede nating ipagmalaki sa buong mundo. Bukod kasi sa malawak nating imahinasyon, pursigido rin tayong hasain nang mabuti ang ating mga talento nang sa gayon ay mas gumaling pa tayo sa paglipas ng panahon.

Katulad na lamang ng isang Pinoy artist mula sa Ormoc City na nag-viral sa social media dahil sa kanyang angking galing pagdating sa charcoal drawing.

Imahe mula sa Facebook | Emarson Tangil

Sa isang Facebook post, inupload ng artist na si Emarson Tangil ang ilan sa kanyang mga gawa kung saan iginuhit niya ang mukha ng ilang artista at personalidad sa bansa.

Kabilang na rito ang mukha nina Pangulong Rodrigo Duterte, Ivana Alawi, Kathryn, Bernardo, Marian Rivera, Manny Pacquiao, at iba pa. Agad naman itong napansin ng netizens na todo bilib din sa talento ni Emarson.

“Ang galing n’yo po grabe. Sana maging kagaya n’yo po ako paglaki ko,” sabi ni Jannah Viernes Labarda Victorio.

Wow, sobra mo kong pinahanga sa mga guhit mo. Buhay na buhay ang dating! You are so gifted!” komento rin ni Marisol Caranto.

Imahe mula sa Facebook | Emarson Tangil

Sa katunayan, pati mismo sina Ivana Alawi at Marian Rivera ay nagpahayag ng paghanga kay Emarson sa kani-kanilang Facebook pages.

“Walang tatalo sa galing ng Pilipino! Napakahusay mo, Emarson Tangi,l salamat,” pahayag ni Ivana.

“Wow! Thank you Sir Emarson Tangil. Charcoal on Illustration Board. Napakahusay!” saad naman ni Marian.

Samantala, inilahad naman ni Emarson sa kanyang official YouTube channel ang proseso kung paano niya ginagawa ang mga charcoal drawings. Matapos ding mag-trending ang kanyang videos, mas lalong dumami ang bumilib kay Emarson at sa ngayon, umabot na sa halos 2,000 ang bilang ng kanyang subscribers.

“Maraming salamat po sa lahat ng nakaka-appreciate sa mga gawa ko. Malaking tulong po talaga ang pagsuporta nyo. God bless sa lahat🙏,” ani ni Emarson.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: