Panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika, nakatapos na ng highschool

  • Sa Instagram post, binati ng aktres na si Ina Raymundo ang panganay nitong anak na si Erika Rae Poturnak na nagtapos sa high school kamakailan
  • Sa kabila ng COVID-19 pandemic ay natuloy pa rin ang graduation ceremony nila Erika na ginawa na lamang via Zoom
  • Ayon kay Ina, bilib siya sa panganay na anak dahil sa naging mindset nito sa mga pangyayari ngayon at naging magandang modelo sa mga nakababatang kapatid

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, marami pa ring paaralan at educational institutions ang naghanap ng alternatibong paraan upang maisakatuparan pa rin ang pagtatapos o moving up ceremony ng mga graduating students. Sa katunayan, ang iba ay gumamit na lamang ng teknolohiya para lamang maituloy ang seremonyas ng mga magtatapos na estudyante.

Imahe kuha mula sa video ni Ina Raymundo via Facebook

Kaya naman sobrang proud ang aktres na si Ina Raymundo sa kaniyang panganay na anak na si Erika Rae Poturnak na kamakailan ay nagtapos ng high school sa gitna ng pandemyang ito. Sa isang Instagram post ay nagbigay ng mensahe si Ina sa kaniyang panganay.

Sa video na ibinahagi ni Ina, makikitang isinagawa na lamang ang graduation nila Erika via Zoom, isang video conferencing app na maaaring daluhan ng maraming tao at sabay-sabay na mag-video chat. Sa video ay makikitang naka-formal na suot ang mga bisita at naka-toga naman si Erika.

Imahe mula kay Ina Raymundo via Instagram

You said that this whole thing is surreal, but you’re trying not to dwell on the negative and look at only the positives that will come out of this,” ani Ina sa kaniyang IG post kalakip ng graduation photo ng anak. Ayon pa kay Ina, nananatiling positibo si Erika sa kabila ng mga pangyayari sa ating paligid dulot ng coronavirus.

Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters.
We will always be proud of you, Ate
,” dagdag na mensahe ng aktres.

Bukod kay Erika ay mayroon pang tatlong anak si Inah sa Canadian-Ukranian businessman na si Brian Poturnak. Ito ay sina Jakob, Miki, Anika, at Minka.

Imahe mula kay Ina Raymundo via Instagram

Congratulations on your graduation and best wishes for your next adventure! Much Love, Mom and Dad,” ang pagtatapos na mensahe ni Ina. Sa ngayon ay wala pang ipinapakitang motibo si Erika kung nais ba nitong pasukin ang showbiz tulad ng ina, ngunit sa kaniyang ganda, marami na ang humahanga sa dalaga.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: