“New normal” sa pampublikong jeep, handa ka na ba?

  • Kamakailan ay na-lift na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa at nagkaroon na ng modified community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ)
  • Kabilang sa MECQ at GCQ ang pagbabalik sa pasada ng ilang pampublikong sasakyan tulad ng jeepneys 
  • Sa isang viral ngayon na Facebook post, ipinakita ang hitsura at kalagayan ng ilang pasahero sa loob ng jeepneys habang ipinatutupad ngayon ang “new normal”

Laging nababanggit ngayon sa mga balita ang mga katagang “new normal.” Ito ay ang bagong pamumuhay na makakasanayan na natin dahil na rin sa nangyayaring COVID-19 pandemic.

Imahe mula kay Raquel Lanon King via Facebook

Ayon sa mga eksperto, kinakailangan na nating tanggapin na binago ng pandemya ang mundo na nakasanayan natin sa nakaraang dalawang buwan. Kaya naman dapat ay matuto tayong sumunod at gawin ang “new normal” upang maiwasan ang “2nd wave” ng COVID-19.

Mula enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad sa bansa noong Marso, ginawa nang modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) ang ilang bahagi sa bansa.  Kumpara sa ECQ, ang MECQ at GCQ ay mas maluwag at maaari nang makalabas ang ilang tao basta’t sumusunod sa mga ipinatutupad na alituntunin.

Imahe mula kay Jonathan Andal via Facebook

Nang ma-lift ang ECQ, pinayagan na ulit ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon tulad ng MRT, bus, at mga jeep ngunit mayroong limitasyon ang dami ng mga pasahero. Ano na nga ba ang hitsura ng mga pampublikong transportasyon na ito sa ilalim ng MECQ at GCQ?

Sa isang viral ngayon na Facebook post, ibinahagi ang litrato ng isang tagpo sa loob ng pampasaherong jeep. Kung noon ay tabi-tabi at nagsisiksikan pa nga ang mga pasahero, ngayon ay nasa mahigit sampu lamang ang dami ng maaaring makasakay.

Imahe mula Facebook

Bukod pa rito, mayroon ding mga nakaharang na materyales sa harap at gilid ng mga nakasakay sa jeep, ito ay upang maiwasan ang “close contact” ng mga pasahero. Sa nasabing viral post ay nagkaroon ng hati sa pagitan ng mga pasahero gamit ang mga tarpaulin.

Nilagyan pa ito ng netizen ng caption na: “Ganito pala feeling maging gagamba.”

Makikita kasi sa litrato na tila nasa loob ng kaha ng posporo ang mga tao na mayroong divider. Ang nasabing post ay nagkaroon ng 100k reactions at 241k shares.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: