Netizen ginamit ang mga natuyong petals ng bulaklak bilang background design ng picture frame

  • Literal na prineserba ng isang netizen ang magagandang alaala na hatid ng mga rosas na ibinigay ng kanyang kasintahan
  • Sa halip kasi na itapon, ginamit niya ang mga natuyong petals ng bulaklak bilang background design ng picture frame
  • Agad naman itong nag-viral sa social media lalo na’t nagustuhan ng marami ang sentimental at malikhaing ideya ng naturang netizen

Tawagin mang “cheesy” at “old school” ng karamihan, ang pagbibigay ng bulaklak ay nananatiling isa sa pinakamalambing at pinakaepektibong paraan upang ipadama ang iyong pagmamahal sa kapwa. Bitbit kasi nito ang mala-romantikong pakiramdam na naghahatid ng kilig sa karamihan. Bukod pa rito, bahagi na rin ito ng ating kultura bilang mga Pinoy kaya nakasanayan na nating magregalo ng bulaklak t’wing may espesyal na okasyon.

Imahe mula sa Facebook | Carissa Eugenio

Ngunit imbes na itapon ang mga bulaklak kapag ito’y nalanta, naisip ng netizen na si Carissa Eugenio na gamitin ang mga natuyong petals bilang background design ng picture frame. Aniya, isa itong paraan para i-preserve ang bulaklak pati ang matatamis na alaalang kalakip nito.

“Keeping those roses and memories. Imagine hanging these on the entire wall of your own house and telling a kilig story behind it when you have bisita?” pahayag ni Carissa sa isang Facebook post. “Better than throwing that poor roses. And the main thing here is you will remember how happy you are the time you got them.”

Dagdag pa niya, madali lang daw gawing background design ng picture frame ang mga natuyong petals. Sa katunayan, ibinahagi niya pa nga ang mga simpleng hakbang para gawin ito.

Imahe mula sa Facebook | Carissa Eugenio

Una, kailangan lang daw siguraduhin na tuyong-tuyo na ang bulaklak bago ilagay ang petals nito sa loob ng picture frame; pangalawa, i-tape o idikit muna ang litrato sa “glass” surface bago punuin ng petals ang buong frame; at pangatlo, i-lock ang picture frame sa likod.

“Maganda sa picture pero promise mas maganda sa personal. Para siyang 3D background lang pero once na tinitigan mo siya, dun mo malalaman na real roses pala siya,” saad pa ni Carissa.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 73,000 shares, 28,000 reactions, at 14,000 comments ang viral post ni Carissa. Marami ring netizens ang na-inspire na gawin ang ideya niya sa susunod na makatanggap daw sila ng bulaklak.

Ikaw? Balak mo rin bang subukan ito?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: