‘Namimigay ng milyon-milyon walang load!’ Reaksyon ni Kuya Wil nang mawalan ng load sa gitna ng programa, kinaaliwan

  • Kilala ang programang Wowowin sa pamimigay ng milyon-milyong papremyo
  • Nagdala ng katatawanan sa marami nang biglang mawalan ng load ang cellphone na ginagamit ng host na si Willie “Kuya Wil” Revillame habang nasa kalagitnaan ng programa
  • Sa Facebook, ini-upload ng isang user ang video clip nito, na nakakuha na ng lampas kalahating milyong views

Kilala ang programang Wowowin sa pamimigay ng milyon-milyong papremyo, kaya naman nagdala ng katatawanan sa marami nang biglang mawalan ng load ang cellphone na ginagamit ng host na si Willie “Kuya Wil” Revillame habang nasa kalagitnaan ng programa at kinokontak ang isa sa mga manonood na bibigyan ng premyo.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ini-upload ini-upload ng isang user ang video clip nito; kung saan ito nakakuha ng mahigit 38,000 shares, halos 60,000 reactions, lampas kalahating milyong views, at libo-libong kumento, as of writing. Aliw na aliw ang mga ito sa naging reaksyon ni Kuya Wil nang malamang wala na pala itong load kaya hindi makatawag sa winning viewer.

“Gusto naming makatawag pa para may manalo pa ho,” saad niya habang nagda-dial ng number. “Ito na ho!”
Ngunit sa halip na sagot ng viewer, ibang tugon ang narinig ni Kuya Wil, “Sorry, you do not have enough load in your account.”

“Wala na tayong load!” bulalas niya, at saka natawa nang mapagtanto niya na ang dami nilang ipinamimigay na papremyo pero wala silang load. “Wala tayong load! Diyos kong buhay ‘to!” napakapit pa sa pader ang host. “Namimigay ng milyon-milyon walang load? Ano ba naman kayo! Hahaha! Hay naku po!”

Image captured from Wowowin’s video

“‘Oy, GMA, ito, ito!” turo niya sa staff na natatawang lumapit sa kanya. “Sasabunutan kita, e! Hahaha! Nakakahiya ka!”

Aniya, ayon daw sa staff ng programa ay kinain ang load nila kaya hindi na sila makatawag. Agad din naman itong inayos para makapagtuloy-tuloy na sila.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: