Mga pulis na nanita ng isang lalaki, tinulungan siyang iuwi ang mga panggatong at binigyan pa ng relief goods

  • Sa isang trending Facebook post, ikinuwento ang naging pagtatagpo ng isang lalaking lumabas ng kanilang tahanan at mga pulis na nakabantay
  • Sa una ay sinita ng mga pulis ang lalaki na kumuha ng mga kahoy na panggatong na gagamitin ng kaniyang pamilya sa pagluto 
  • Sinita man, tinulungan ng mga pulis ang lalaki na iuwi ang mga kahoy at namigay din sila ng relief goods sa pamilya nito

Mas lalong humigpit ang pagbabantay ngayon ng mga awtoridad sa labas upang maipatupad ang kaayusan sa gitna ng quarantine at mapalaganap ang social distancing para na rin hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Supporters Facebook page

Ngunit sa gitna ng paghihigpit, mayroon ding mga awtoridad na handang magbigay ng tulong sa mga Pinoy na nangangailangan nito, lalo na kung ang tulong na ito ay para sa ikabubuti ng pamilya.

Sa isang trending post ngayon mula sa Facebook page na Isko Moreno Domagoso Supporters, ikinuwento ang naging pagtatagpo ng mga awtoridad sa isang lalaking namataan nila na nasa labas.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Supporters Facebook page

Sa una ay sinita ng mga pulis ang tatay na kumuha ng mga kahoy na gagamitin ng kaniyang pamilya sa pagluluto. Habang bitbit ng tatay ang mga kahoy na panggatong, ipinababa ito ng mga pulis sa kaniya. Sa takot ay sumunod na lamang ang tatay.

Sa pagkakataong iyon ay binuhat ng mga pulis ang mga kahoy na ibinaba ng tatay at isinakay ito sa sasakyan nilang gamit sa pangpatrol. Bukod sa tinulungan ng mga pulis na iuwi ng tatay ang mga kahoy, binigyan din siya ng limang kilong bigas, mga de lata, at iba pang relief goods.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Supporters Facebook page

Ang nasabing post ay humakot ng mahigit 429,000 reactions, 50,000 comments, at 117,000 shares. Marami ding mga netizens ang bumilib sa naging aksyon ng mga pulis at nagsabi na sana ay marami pa ang katulad nila na  ginagamit ang kapagyarihan sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Frontliner na sila, may puso pa para mga kapuwa,” “So happy to see these are happening especially in this time of pandemic,” “Sana ganito lahat, may puso at nangingibabaw ang pagtulong sa mga taong higit na may kailangan.”

Saludo kami sa mga taong ginagamit ang kapangyarihan hindi sa dahas kundi sa pagtulong mapabuti ang buhay ng mga naghihirap na Pinoy.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: