
- Nag-viral kamakailan ang pag-
aaway ng dalawang lalaki dahil sa Fudgee Barr - Sa Facebook video, makikitang umabot sa pisikalan ang pagpapaamin sa isa na kinain nito ang Fudgee Barr na hindi naman sa kanya
- Nakaabot ang video na ito sa endorser ng cake bar snack na si Ryan Bang; personal silang tinungo nito para bigyan ng kahon-kahong Fudgee Barr
Napanood mo ba ang viral video ng dalawang lalaki na nag-away dahil sa isang Fudgee Barr?

Sa Facebook video na ini-upload ni Jwel Escoba, makikitang umabot na sa pisikalan ang pagpapaamin sa isang lalaki na kinain nito ang Fudgee Barr na hindi naman sa kanya.
“Sinong kumain ng Fudgee Barr ko?” tinatanong pa rin ng nawalan ng pagkain sa gitna ng pag-aaway nila. Base sa kanilang pagtatalo na maririnig sa video, hindi ito ang unang beses na pinagbintangan niya ang kanyang kaaway.
“Hindi ako ‘yon. Ba’t ‘pag nagbibintang ka ako lagi?” nanunumbat na wika nito.
Kumalat ang nasabing video at nakakuha na ng lampas 12,000 comments, mahigit 75,000 reactions, at halos 108,000 shares, as of writing. Mayroon na rin itong 1.3 million views, habang ang mga nasa video naman ay binansagang “Fudgee Barr Boys”.
Pero ngayon, hindi na nila kailangang magkasakitan pa dahil sa popular cake bar snack — salamat sa Kapamilya comedian na si Ryan Bang. Dala ang kahon-kahon na Fudgee Barr, tinungo ni Ryan ang kanilang lugar para personal silang bigyan ng pagkaing pinag-awayan nila.
“Maraming salamat sa iyo, idol Ryan Bang,” saad ni Jwel sa caption ng mga litrato na ibinahagi niya sa social media.

Ngayon, viral na ang masasayang litrato nila kasama ang kanilang espesyal na bisita. Mukhang wala na talagang mag-aaway dahil sa isang Fudgee Barr.