Mga disenyo ng gowns na hango sa iba’t ibang sanga ng agham, viral ngayon sa social media

  • Viral ngayon sa social media ang kakaibang gowns na ginawa ng isang netizen
  • Hango kasi ang disenyo ng mga ito mula sa iba’t ibang sangay ng agham gaya ng Genetics at Astronomy
  • Marami naman ang agad bumilib at humanga sa naturang netizen dahil sa ipinamalas niyang talento at galing sa fashion design

T’wing sumasabak ang mga pambato ng iba’t ibang bansa sa global competitions and pageants kagaya ng Miss Universe, isa sa mga inaabangan ng manonood ay ang kanilang makukulay at magagarbong evening gowns. Mula kasi sa pinakasimpleng detalye ng damit hanggang sa mismong designer nito, talagang pinag-uusapan ng mga tao kung paano ito lubusang pinaghandaan ng mga kalahok. Siyempre, hindi rin mawawala ang kaakibat na kuwento o inspirasyon sa likod ng mga natatanging disenyo.

Ngunit hindi man kasing sikat ng ibang designers, may isang netizen na nagbahagi ng kanyang mahuhusay at kakaibang ideya pagdating sa pagdidisenyo ng gowns. Siya ang Science teacher na si Neil John Diaz mula sa Negros Occidental.

Imahe mula sa Facebook | Neil John Tibayde Diaz

Sa isang Facebook post, inilahad ni Neil ang kanyang istorya kung paano niya naisip na isabuhay ang agham sa larangan ng fashion.

“Few weeks ago, I tried to digitally sketch my works and as a beginner, I knew I had a lot of stuff to learn. So to make my ‘practice’ interesting, I sketched my works with a theme. Last time, I made Colleges and Universities Eleganza. This time, since I’m a Science teacher, I made this BRANCHES OF SCIENCE ELEGANZA,” kuwento ni Neil sa isang viral Facebook post.

Makikita rin doon na kabilang sa mga naging inspirasyon ng guro ay ang mga araling itinuturo niya kagaya ng organic compounds, astronomy, zoology, genetics, at mismong muscular system ng isang tao.

Imahe mula sa Facebook | Neil John Tibayde Diaz

Dagdag pa niya, hindi man daw perpekto ang kanyang mga disenyo, masaya siya dahil ginawa niya ang mga ito. Marami ring netizens ang agad bumilib sa angking galing at talento ni Neil.

“Hi Sir. Ganda po ng design nyo. Hope po mapansin gawa n’yo ng mas marami pang tao,” sabi ni Vone Acorio. “This would definitely be a winning piece for pageants,” komento naman ni Gweny Gwen.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 26,700 shares at 22,600 reactions ang unique designs ni Neil. Patuloy din itong umaani ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: