Memory lane: Naging paborito mo rin bang iulam ang Target corned beef?

  • Isa ang Target sa mga brand ng corned beef na gustong-gustong iulam noon ng mga Pilipino
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang litrato ng classic na corned beef
  • Dito ay nagbalik-tanaw ang mga social media user na naging paborito at kinalakihan o kinatandaan na ang brand na ito

Ang pagkain ay higit pa sa pagiging lamang tiyan. Minsan, laman din ito ng puso dahil sa mga alaalang nabuo dahil dito o kasama ito.

Image captured from Facebook

Kabilang ang Target sa mga brand ng corned beef na gustong-gustong iulam noon ng mga Pilipino, kung kaya naman naging malaking bahagi na ito ng kanilang kahapon.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro na si Rene Seno ang litrato ng classic na corned beef. Aniya, “Ang paborito ko noong dekada 60s.”

Dito ay nagbalik-tanaw ang mga social media user na naging paborito at kinalakihan o kinatandaan na ang brand na ito. Ang iba naman, minsan lang o hindi talaga nakatikim nito dahil mahal na para sa kanila ang halaga nito noong panahong iyon.

“Ito iyong corned beef na niluluto ni Inang noon kapag kumita kami sa pagbebenta ng mga tinahi naming sako!” pagbabalik-tanaw ni Lourdes Elmore.

“Minsan ko lang ito natikman. Mahal po kasi. Higit na mas masarap kaysa sa local brands noon,” ani Karen Diana Pugong Dacanay.

“Those were the time na ang corned beef ay authentic,” kumento ni Awie Mendiola Belulia. “Naabutan ko ‘to, sobrang sarap.”

“Iyan ang hindi ko makalilimutan. Ang lasa kasi. Iyan ang pinakamasarap sa lahat ng natikman ko. Kapag niluto mo ay asahan mo nang happy kayong lahat kakain,” pagbabahagi ni Pacific Striker.

Pag-aalaala naman ni Leetoe Soliven Piamonte, “Masarap iyan. Paborito ko iyan at lagi kaming mayroon niyan noong mga bata pa kami. Sa katunayan, ‘Target’ ang ipinangalan namin sa Japanese dog namin noong elementary pa ako.”

Image captured from Facebook

Ikaw, naabutan mo rin ba ang corned beef brand na Target?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: