Memory lane: Mga sandaling nananabik kang pumasok sa paaralan dahil sa bago mong pencil case

  • Nauso noon ang iba’t ibang klase ng pencil case na talaga namang kinaaliwan ng mga batang mag-aaral
  • Sa Facebook, binalikan ng mga “young once” ang mga sandali kung kailan mas kinasasabikan nilang pumasok sa paaralan dahil sa bago nilang pencil case
  • Mayroon din namang simple lamang ang ginamit noon dahil may kamahalan ang mga nausong klase

Talaga namang kinaaliwan ng mga batang mag-aaral ang mga nauso noon na iba’t ibang klase ng pencil case: mayroong inspired ng mga sikat na cartoon shows, mayroong hugis robot o kotse, mayroong may “second floor”, mayroong pa ngang maaaring paglaruan.

Image captured from Facebook

Sa Facebook page na Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang mga sandali kung kailan mas kinasasabikan nilang pumasok sa paaralan dahil sa bago nilang pencil case. Dito ay inalala nila ang mga uri ng nasabing lalagyan na nagamit nila noon sa eskwelahan. Mayroon din naman daw na mga simple lamang ang ginamit noon dahil may kamahalan ang mga nausong klase.

“Ano-anong klaseng pencil case ang nagamit ninyo sa school dati, mga batang 90s?” tanong ng admin ng page sa caption ng litratong ini-upload niya.

“‘Yong piano!” kumento ng social media user na si Dennis Garduce. “Cool kid ka kapag iyon ang pencil case mo.”

“‘Yong may second floor, nagkaroon ako. Haha!” pagbabahagi ni Dyn Margot Hufano. “Sikat na sikat ako sa room namin noon kasi may ganon ako.”

“Wala ni isa sa nasa litrato ang nagamit ko,” pagbabalik-tanaw ni Edelyn Jamoso Nogaliza. “Noong elementary kasi ako ay walang kakayahan ang mga magulang ko bumili ng mga ganiyang klaseng pencil case. Anim kaming magkakapatid at apat ang nag-aaral noon, lahat elementary.”

Wika naman ni Denmark De Vera, “Gawa sa lata o de-zipper na pencil case. Masaya na kami roon.”

Image captured from Facebook

Ikaw, ano ang pinakapaborito mo sa mga naging pencil case mo noon?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: