Malabon Zoo, nangangailangan ng tulong para sa pagkain ng kanilang mga hayop

  • Sa isang Facebook post, humingi ng tulong ang isang netizen para sa panawagan ng Malabon Zoo Foundation para sa kanilang mga inaalagaang hayop
  • Humihingi ng cash donations ang zoo upang maipangbili ng pagkain ng mga hayop sa gitna ng umiiral na quarantine
  • Ang nasabing post ay umani ng halos 21,000 reactions at 42,000 shares mula sa mga netizens

Maraming naghihirap na Pinoy ang mas lalo pang nahirapan nang ipatupad na ang community quarantine sa bansa dahil sa nangyayaring COVID-19 pandemic.

Imahe mula Freepik

Ang ilang Pinoy na nawalan ng trabaho ay napilitang mamalagi na lamang sa loob ng kanilang tahanan at maghintay ng ayuda at mga relief goods mula sa gobyerno.

Ngunit kung ang mga tao ay sobra-sobra nang nahihirapan dahil sa pandemyang ito, paano pa kaya ang mga hayop na nakadepende na lamang sa mga tao upang sila ay makakain at mabuhay?

Ito ang naging pangunahing problema ng Malabon Zoo Foundation nang mag-umpisa ang lockdown at napilitan silang magsara at mawalan ng pagkakakitaan.

Imahe mula Facebook

Hindi naman kasama sa ayuda at relief goods ang mga hayop sa zoo dahil ang pangunahing tinutulungan ngayon ay ang mga naghihirap na Pinoy. Kaya naman nanawagan na rin ng tulong ang Malabon zoo para sa mga hayop na dito naninirahan.

Sa Facebook post ni Ronnette Baloyo, ibinahagi niya ang litrato sa harap ng Malabon Zoo Aquarium and Botanical Garden hapang mayroong nakapaskil na karatula ng paghingi ng tulong ng nasabing zoo.

Nakalagay sa karatula ang mga katagang: Please help with your cash donation for the food of the zoo animals! Thank you! Manny-Malabon Zoo Foundation Tel 8361-3064.

Imahe mula kay Ronnette Baloyo via Facebook

Ayon kay Ronnette, nakausap niya  mismo si Manny ng Malabon Zoo at ibinigay nito ang detalye kung saan puwede magbigay ng donasyon.

Nakausap ko po si Sir Manny ng Malabon Zoo Foundation. You may deposit your cash donation to Malabon Zoo Foundation BPI Checking Account: 4641000332.”

He will issue an OR once the zoo reopens. Just keep a copy of your deposit slip. Thank you po,” dagdag pa ng uploader. Paglilinaw din niya, wala umano affiliated sa Malabon Zoo Foundation, “the intention of my post is to help the animals.”

Ang nasabing post ni Ronnette ay umani ng mahigit 21,000 reactions at 42,000 shares mula sa mga netizen. Nawa’y sa libo-libong nakakita nito ay may magagandang loob na magbigay ng donasyon para na rin sa mga hayop na minsan na nating kinatuwaan na makita sa pagbisita sa zoo.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: