Mala-“Princess Diaries” na kuwento ng isang half Pinay, pinag-usapan sa social media

  • Usap-usapan ngayon sa social media ang kuwento ng half Pinay na anak daw ng isang dating hari o sultan sa Malaysia
  • Nakalahad ang kanyang kuwento sa isang viral post na in-upload sa Facebook page na “Humans of New York”
  • Matapos mabasa ang istorya, agad naman itong inihambing ng netizens sa pelikulang “Princess Diaries”

Araw-araw, samu’t saring kuwento ang nababasa natin sa social media. Kadalasan, tungkol ang mga ito sa buhay, pag-ibig, pamilya, o relasyon sa kapwa. Sa katunayan, may mga pagkakataon nga rin na kahit gaano karami pa ang mga istorya na nababasa natin, mayroon pa ring ilang kuwento na talagang mananatili sa ating isipan.

Marahil isa na rito ang istorya ng half Pinay na anak pala ng isang dating sultan sa Malaysia na si Ahmad Shah ng Pahang.

Sa post na in-upload ng sikat na Facebook page na “Humans of New York”, ibinahagi ng babae ang kuwento kung paano niya nadiskubre ang pagiging ‘prinsesa’ niya.

Imahe mula sa Facebook | Humans of New York

“I remember there was a day in kindergarten when we were supposed to bring our dads to school. It was some type of performance or something. I’d never met my father. So I asked my mom if he could come, and she told me: ‘He’s too busy. He lives in Malaysia. And he’s a king,’” saad ng babae.

Dagdag pa niya, nagkakilala raw ang kanyang mga magulang noong nagta-trabaho bilang isang nars sa Malaysia ang kanyang nanay.

“She told me that she’d been working as a nurse in Malaysia. And that she met the king at a party. But the rest of the story seemed to be painful, so I took it upon myself to never open that box. I stopped thinking about it,” the woman said.

Pero isang araw, nakatanggap daw ang babae ng tawag mula sa kanyang tatay. Nakipagkita raw ito sa kanya sa London kung saan sila nagkaroon ng isang oras na tanghalian. Doon din daw humingi ng financial support ang kanyang nanay at isang kasulatan na magpapatunay na ama ng babae ang hari. Ngunit sa kasamaang palad, hindi raw ito napagkasunduan at hindi rin siya lubusang kinilala sa pamilya ng kanyang tatay.

Imahe mula sa Facebook | Humans of New York

Gayun pa man, nagpapasalamat pa rin ang babae na nagkaroon siya ng litrato kasama ang kanyang “haring ama”.

“Thankfully, before we left that first lunch, my mother did make one last request. She insisted that I take a photo with my father,” sabi niya.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 145,000 reactions at 9,300 shares ang naturang post. Inihalintulad din ng ilang netizens ang kuwento ng babae sa Disney movie na “Princess Diaries”.

“It’s like the Princess Diaries! Girl you and your mom were royalty no matter what, living your lives, working and succeeding without him. I’m glad you got the answers you wanted though!” komento ni Katie Eileen.

“Being a princess is an interesting story. But, the real treasure is your mom. She made sure you were cared for, she fought for you, loved you,” saad naman ni Amy Fiore Garrison.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: