Mabait at masipag na nurse na dinapuan ng COVID-19, naka-recover pagkatapos ng 38 days

  • Isang frontliner nurse na may edad na ang dinapuan ng COVID-19 habang tumutulong sa mga kagaya niyang naging positibo sa nasabing virus
  • Ngunit tulad rin ng iba, gumaling ang nasabing nurse pagkatapos ng 38 days at ang paglabas niya sa hospital ay ibinahagi online
  • Ayon sa mga nakakakilala sa nasabing nurse, mabait umano ito at masipag

Sa ngayon, nasa mahigit 2,900 na ang recovered patients ng COVID-19 dito sa bansa. Maliit man ito kumpara sa mahigit 13,000 nang positibong kaso, naghahatid pa rin ang mga numerong ito ng pag-asa sa mga kasalukuyang nagpapagaling mula sa virus.

Imahe mula Freepik

Ang pinaka-exposed o malimit dapuan ng coronavirus ay ang ating mga frontliners na humaharap at tumutulong sa mga pasyente na dinapuan ng virus. Marami nga sa mga frontliners na ito ang hindi mapalad na nakaligtas sa COVID-19.

Ngunit ganun pa man, mayroon pa ring mga pasyenteng frontliners na naging positibo sa COVID-19 ang gumagaling at nakaliligtas. At ang kanilang mga kuwento ay ibinabalita upang maghatid ng pag-asa para sa ilang Pinoy.

Imahe mula kay Edd Gumban via The Philippine Star Facebook page

Kamakailan, isa sa mga frontliner na naka-recover mula sa virus ang isang staff nurse mula Philippine General Hospital. Dinapuan ang nurse habang tumutulong sa mga pasyente ng COVID-19.

Ayon sa mga litratong ibinahagi ng Philippine Star Facebook page, pagkatapos ng 38 na araw o mahigit isang buwan ay gumaling na ang nasabing nurse na binigyan pa ng mga lobo at placard na “Survivor Ako” habang papalabas sa hospital.

Imahe mula kay Edd Gumban via The Philippine Star Facebook page

Ngayon ay nakauwi na umano sa kanilang tahanan ang naka-recover na nurse at masayang nakasama na ang pamilya. Ayon naman sa mga nag-comment sa post, ang pangalan umano ng nurse ay “Maya” at isa itong mabait at masipag na frontliner tulad ng iba.

God bless Ate Maya.”

“Praise God we are happy for you at magpalakas ka!”

“Yehey! Congrats Ma’am Maya! Kapit lang tayo kay Lord! God bless,”

” Hi Nurse na masipag good to see you, you are on the news!”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: