‘LiCe’ muna bago ‘LizQuen’: Kilalanin ang leading man ni Liza Soberano noong high school

  • Binalikan ng ilang dating kaeskwela ng aktres na si Liza Soberano ang mga panahong sa mga school play pa lamang ito umaarte
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Gabriel Linatoc ang mga litrato ni Liza kasama ang kanyang leading man noon sa paaralan na si Rence Dwyer
  • Bago raw magkaroon ng “LizQuen” ay kinakiligan muna ng mga kamag-aral at kaeskwela nila ang “LiCe”

Bago nakilala bilang isa sa pinakamagaganda at pinakamahuhusay na aktres ng kanyang panahon, sa mga palatuntunan sa paaralan muna ipinamalas ni Kapamilya star Liza Soberano ang kanyang talento.

Image captured from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Gabriel Linatoc ang mga litrato ni Liza kasama ang kanyang leading man noon sa paaralan na si Rence Dwyer. Dito ay binalikan ng ilang dating kaeskwela ng aktres ang mga panahong sa mga school play pa lamang ito umaarte. Anila, bago raw magkaroon ng “LizQuen” ay kinakiligan muna ng mga kamag-aral at kaeskwela nila ang “LiCe”.

“Bago magkaroon ng LizQuen, mayroon munang LiCe,” ani Gabriel. Biro niya pa sa comments section ng kanyang post, “Dapat ikaw [Rence] sa puwesto ni Enrique.”

Ilang taon na ring namamayagpag ang karera ni Liza at ng kanyang onscreen partner at kasintahang si Enrique Gil. Kamakailan ay ibinahagi rin ng aktor na bahagi na ng kanyang mga plano sa buhay ang hinaharap nila ni Liza, kabilang na ang pagpapatayo ng bahay nila pagkatapos niyang mapagawan ng bahay ang kanyang pamilya.

“And then, I’m going to be building with Hopie in Vermosa in the future,” wika ng aktor.

Masayang-masaya raw kasi ito sa piling ni Liza, na inilalarawan niya bilang isang anghel sa lupa na nagbibigay ng labis na tuwa at pagmamahal.

Image capture from Instagram

“You truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love, and just I hope that me and the world can somehow give all of that love back to you,” saad ng aktor sa isang Instagram post. “You’re not just drop dead gorgeous, babe, you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: