‘Kung ‘di sa cartoons, dito nakatutok’: Namangha ka rin ba sa Handy Chef demo noong bata ka?

  • Isa ang Handy Chef demo sa mga popular na advertisement na mapanonood noon sa telebisyon
  • Sa Facebook, gumawa ang isa sa mga user ng meme kung saan ipinakita niya sa pamamagitan ng ilang larawan kung gaano siya namamangha sa tuwing nanonood nito
  • Nagdala ang post na ito ng nostalgia sa maraming Facebook users, kaya naman nakakuha ito ng libo-libong reactions at shares

Madali lamang malibang ang mga bata. Kakaiba sa paningin nila, talagang tututukan at paglalaanan nila ito ng atensiyon at oras.

Image captured from Facebook

Isa sa mga nakahiligang panoorin ng mga bata noon ang popular Handy Chef demo na regular na ipinalalabas sa telebisyon.

Sa Facebook, gumawa ng meme ang user na si Mac Martin upang ilarawan sa pamamagitan ng ilang litrato kung gaano siya namamangha sa tuwing nanonood ng advertisment na ito noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. Pagbabahagi niya, bagama’t gamit ito sa kusina at hindi tipikal na laruang pambata, ay talaga namang tinututukan at inaabangan niya ito noon.

“Mga tatlong beses ko siguro itong pinanonood sa maghapon,” saad niya sa caption ng ginawa niyang meme.

At hindi pala siya nag-iisa. Nagdala ang post na ito ng nostalgia sa maraming Facebook users, kaya naman nakakuha na ito ng lampas 15,000 reactions at mahigit 21,000 shares, as of writing. Marami na rin ang nagbahagi ng alaala ng kabataan nila na kakabit na ng nasabing product demo.

“Dati pangarap kong makabili nito kasi gusto iyong pagkakahiwa sa patatas,” kuwento ni Mikko Yorro.

“‘Pag wala nang cartoons or anime sa ABS-CBN or GMA, ito ang pinanonood namin dati ng kuya ko! Hahaha!” pagbabalik-tanaw ni Rap Guijaro.

Wika naman ni John Patrick Vargas, “Na-miss ko iyan panoorin.”

Images captured from Handy Chef’s demo

Ikaw, bukod sa cartoons, ano pa ang pinanonood mo noon sa telebisyon?

Memory lane – Ang classic Handy Chef demo na inaabangan ng mga bata noon sa telebisyon:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: