Ilang empleyado ng Twitter, magiging permanente na ang work from home setup

  • Ang Twitter Inc. ang pinakaunang kompanya na nag-anunsyo ng permanenteng work from home setup para sa ilang empleyado
  • Isa sa pangunahing dahilan ng kompanya ay dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic, magbubukas pa rin ang ilan nilang opisina ngunit pagkatapos pa ng ilang buwan
  • Ang mga tech giants naman tulad ng Facebook at Google ay hindi muna magpapapasok ng mga empleyado hanggang matapos ang taon

Simula nang umiral ang community quarantine dito sa bansa, maraming manggagawang Pinoy ang nawalan ng trabaho, nag-forced leave sa trabaho, o ‘di kaya ay patuloy na nagtrabaho sa loob ng kanilang tahanan dahil sa pagpapatupad ng “work from home” setup.

Imahe mula Freepik

Mapapalad ang mga naka-work from home o WFH dahil kahit hindi sila pumapasok sa opisina ay sumusuweldo pa rin sila at nagagawa ang trabaho habang ligtas sa loob ng kanilang tahanan.

Halos iba’t ibang bansa na mayroong umiiral na quarantine ang nagpatupad na rin ng work from home setup para sa mga manggagawa. At dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng porsyento ng mga positibong COVID-19 cases ay maraming kompanya ang hindi pa sigurado kung kailan sila magpapabalik ng mga empleyado.

Ngunit para sa kilalang social networking site na Twitter Inc., inanunsyo na nila ang permanenteng work from home setup para sa ilan nilang empleyado dahil na rin sa hindi kasiguraduhan kung kailan matatapos ang COVID-19 pandemic.

Imahe mula Freepik

We were uniquely positioned to respond quickly and allow folks to work from home given our emphasis on decentralization and supporting a distributed workforce capable of working from anywhere. The past few months have proven we can make that work,” ayon sa inilabas na pahayag ng Twitter.

Magbubukas pa rin umano ang ilang opisina ng Twitter, habang ang mga empleyado na nais pumasok ay magkakaroon ng working arrangements at magiging prayoridad pa rin ang kanilang kaligtasan laban sa virus. Wala rin umano munang business travels hanggang sa Setyempre, at office events sa buong taon.

Samantalang ang mga tech giants naman tulad ng Facebook at Google ay saka lamang magpapapasok ng kanilang mga empleyado pagkatapos ang taon na ito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: