
- Binati ni Thirdy Lacson sa social media ang kanyang dalawang ina nitong Mother’s Day
- Sa Twitter, ini-upload ni Thirdy ang litrato nila ng kanyang ina na si Jodi Sta. Maria at ng kanyang stepmom na si Iwa Moto
- Naantig ang social media users sa magandang turingan nina Thirdy at Iwa, na ngayon ay maybahay na ng kanyang ama at ina ng kanyang half-sister
Naantig ang mga netizen nang batiin ni Thirdy Lacson sa espesyal na araw para sa mga nanay ang kanyang dalawang ina: ang biological mother niya na si J0di Sta. Maria at ang kanyang stepmother na si Iwa Moto.

Sa Twitter, ini-upload ni Thirdy ang litrato nila ni Jodi at ang larawan nila ni Iwa kasama ang kanyang half-sister na si Mimi.
“Happy Mother’s Day to my mamas,” saad niya sa caption ng mga litrato; kung saan pinuri ng maraming social media users sa magandang turingan nina Thirdy at Iwa; na ngayon ay maybahay na ng kanyang ama na si Pampi Lacson.
Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan naman ni Iwa si Pampi sa pagbibigay ng katuparan sa kanyang pangarap na maging isang ina dahil binigyan siya nito ng dalawang anak na sina Thirdy at Mimi.
“Bago matapos ang araw na ito, gusto ko lang magpasalamat sa taong naging dahilan kung bakit natupad ang pangarap kong maging mommy. Thank you, Mahal, for giving me two amazing kids. Thank you sa pag-intindi sa akin palagi. Thank you for taking care of us. I love you to the moon and back,” wika niya.
Sa isang naunang panayam, ibinahagi ni Jodi kung gaano siya kasaya na natagpuan niya ang isang kaibigan sa katauhan ni Iwa, na ngayon ay itinuturing ding isang anak ang kanyang pinakamamahal na si Thirdy.
“It’s not naman na in a snap of a finger everything happened. Hindi gano’n, e. It was a process also. But it all started, this beautiful friendship started with forgiving. It all started with forgiveness. When we have forgiven each other for our mistakes then that paved the way to a beautiful relationship,” aniya.

“Ito ang klase ng friendship na wala ka nang mahihiling. Alam mo ‘yong punung-puno siya ng pagmamahal at ng respeto. And nando’n kami sa punto na kaya namin pag-usapan kahit na ano,” dagdag niya.
Nauna na ring naantig ang marami sa post ni Iwa kung saan sinabi ng aktres na bagama’t hindi siya ang nagsilang kay Thirdy ay minamahal niya ito bilang isang tunay na anak.
“Always remember that I am here for you no matter what. Kahit ‘di ka nanggaling sa tummy ko, anak kita. Tandaan mo ‘yan. Bwhahaha. I’ll be your best friend and forever ‘Tita Aileen’,” wika niya.