Gawang Pinoy! Fashionable bags, gawa ng mga mat Weavers mula Samar

  • Ipinagmamalaki ng mga taga Samar ang grupo ng mga kababaihan na naghahabi ng mga banig
  • Hindi lang banig ang kanilang nagagawa kundi mga classic at makukulay na fashionable bags para sa mga kababaihan na gawa sa straw
  • Naisipan na isama sa mga ginagawa ng mat weavers ang mga bag upang dagdag na rin sa pagkakakitaan nila habang nasa community quarantine

Marami man sa mga Pinoy ang nawalan o natigil sa trabaho nang ipatupad ang community quarantine sa bansa, hindi naman ito nangangahulugan na wala nang ibang paraan upang sila ay kumita ng pera kahit nasa loob lamang ng bahay.

Imahe mula sa Henry’s Banig Shop via Facebook

Para sa ilang mga Pinoy, humanap sila ng mga paraan upang kumita ng salapi habang nasa lockdown. Ang iba ay pinasok na ang pagkakaroon ng online business habang ang ilan naman ay naghanap ng mga mapapasukang trabaho online. Ngunit para sa mga Pinoy na wala namang Internet connection, dagdag sa kanilang isipin kung saan kukuha ng pera para sa kanilang pamilya.

Kaya naman ang ilang local business ay naghanap ng ibang paraan upang matulungan ang kanilang mga manggagawa na kumita pa rin ng salapi kahit tigil operasyon muna ang kanilang negosyo. Isa ang negosyong Henry’s Banig Shop sa mga nag-isip ng ibang pagkakakitaan ng kanilang mga manggagawa.

Imahe mula sa Henry’s Banig Shop via Facebook

Kamakailan ay ibinahagi online ang kuwento ng mga mat weavers ng Henry’s Banig Shop sa Basey sa Samar. Bago natigil ang operasyon ng Henry’s Banig Shop ay kilala na sila sa paggawa ng mga dekalidad na banig na inihahabi ng mga manggagawa nilang binubuo ng puro kababaihan.

Ngunit nang ipatupad ang quarantine ay natigil ang operasyon ng nasabing negosyo ngunit hindi ang trabaho ng kanilang mat weavers. Bukod sa banig, naghabi na rin ang mga ito ng makukulay at de kalidad na straw bag na gawa sa Ticog at Buri grass. Dahil sa ganda at kulay ng mga bag ay maraming kababaihan ang nabibighani rito.

Ayon sa Facebook post ng Samar Weekly Express, upang matulungan at suportahan ang mga mat weavers ay maaaring umorder ng mga inihabing bag sa Facebook page ng Henrys Banig Shop o magtext at tumawag sa numerong 09122885769.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: