Forever young? Netizens namangha sa “timeless beauty” ng isang 52-year-old Indonesian public figure

  • Pinag-usapan sa social media ang “timeless beauty” ng isang public figure sa Indonesia
  • Sa edad kasi na 52, hindi maitatanggi na talagang napaka-youthful pa ng itsura at pangangatawan ni Puspa Dewi
  • Ang regular na pag-eehersisyo rin daw ay isa sa mga sikreto ni Dewi para ma-achieve ang healthy lifestyle

“Uy! Parang ‘di ka tumatanda.”

Aminin man natin o hindi, ito marahil ay isa sa mga pinakamagandandang compliment o papuri na puwede mong marinig mula sa ibang tao. Bukod kasi sa nakaka-flatter o nakagagaan ng loob ang ganitong klaseng compliment, nakadadagdag din ito sa ating self confidence at self esteem.

Dahil dito, marami tuloy sa atin ang naghahangad na mapanatili ang “youthful vibe” sa paglipas ng panahon. Sino ba naman kasi ang aayaw na magkaroon ng ganitong klaseng awra sa iyong pagtanda, ‘di ba?

Imahe mula sa Facebook | Laurence Nathalie Raniego

Kaya naman pinag-usapan sa social media ang “timeless beauty” ng Indonesian public figure na si Dewi Puspa. Sa unang tingin kasi sa kanyang mga litrato, hindi mo talaga aakalain na 52 years old na pala siya! Sa katunayan, nag-viral agad ang isang Facebook post kung saan ibinida ng isang netizen ang mga larawan ni Dewi.

“Puspa Dewi, a public figure from Indonesia is turning 53 years old this year, yet she still look so young and healthy. Her kids looking more like her siblings,” saad ng uploader na si Laurence Nathalie Raniego.

Napuno naman ng samu’t saring comments at opinyon mula sa netizens ang post ni Laurence na kasalukuyan ding pumalo sa mahigit 51,000 shares at 21,000 reactions. Namangha rin sila lalo nang malaman nilang isa na palang ganap na lola si Dewi, base sa kanyang mga Instagram posts.

Imahe mula sa Instagram | Puspa Dewi

“Hahaha ay talaga namang mapapa-sana all,” pahayag ni Bobby Jo. “Sana ganito mukha natin pag tumanda na hahahaha,” sabi naman ni Bernice Fontilla.

Samantala, bilang isang sikat na fitness star sa Indonesia, ibinahagi rin naman ni Dewi sa kanyang Instagram account ang ilang tips at sikreto para ma-achieve ang healthy lifestyle. Syempre, kabilang na raw rito ang regular na pag-eehersisyo na madalas na tampok sa kanyang mga posts at stories.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: