Epekto ng lockdown? Mister ni Moira na si Jason, nag-ala-Captain Ri ng Crash Landing on You

  • Kinaaliwan ng social media users ang litrato ng mister ng popular singer na si Moira Dela Torre matapos nitong mag-ala-Captain Ri ng Crash Landing on You
  • Sa Facebook, ibinahagi ni Moira ang larawan ng asawa at kapwa singer nang gayahin nito ang bida ng popular Korean series
  • Suot ang uniporme ng isang sundalo, umarte ito na parang nasa isang serye

Ano ang pinagkakaabalahan mo ngayong matagal-tagal na ring nasa ilalim ng community quarantine ang ilang lugar sa bansa?

Image captured from Netflix

Kinaaliwan ng social media users ang litrato ng mister ng popular singer na si Moira Dela Torre na si Jason Hernandez matapos nitong mag-ala-Captain Ri; ang papel na ginampanan ni Hyun Bin sa popular Korean drama na Crash Landing on You.

Sa Facebook, ibinahagi ni Moira ang larawan ng asawa at kapwa singer na nakasuot ng uniporme ng isang sundalo at umarte na parang nasa isang serye.

“Ayon na nga, nabuang na. Captain Ri raw siya,” pabirong saad ng singer sa caption ng litratong ibinahagi niya. As of posting, nakakuha na ito ng mahigit 11,000 reactions. Marami na rin ang nag-iwan ng kumento sa litrato.

“Ang pogi naman ng Captain Ri ng Moisters!” kumento ni Francelei Patrice Dantes.

“Ang cute ni Kuya Jason. Hahahaha!” ani Glory Alexies Nicole Detuya.

“Sana all po cute kapag nabuang. Hahahaha!” wika naman ni Crizza Geronimo Oh.

Samantala, mayroon din namang mga pumuna na parang mas katulad ng suot ni Jason ang costume ng bida sa isa pang hit Korean series na Descendants of the Sun. May mga naghalintulad din sa kanya kay Cardo Dalisay, ang role ng pulis na ginagampanan ni Coco Martin sa Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Gayunman, ang pinakamahalaga sa lahat ay nakapagdala ito ng tuwa sa marami.

Image captured from Facebook

Loading...
Source :

Facebook, Buzz DF

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: