Entourage o mga abay sa kasal, ipagbabawal na sa ilalim ng “new normal”

  • Ipagbabawal na ng Simbahan ang pagkakaroon ng entourage o mga abay sa kasal sa ilalim ng new normal
  • Ito’y ayon sa panibagong guidelines na ni-release ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP
  • Kabilang din ito sa mga panuntunan ng simbahan para masunod ng mga Pinoy ang social distancing

Inaasahan ang maraming pagbabago sa ilalim ng tinatawag na “new normal”. Sa ganitong sitwasyon kasi, bawal na ang anumang uri ng mass gathering at lilimitahan na rin ang naaayong kapasidad sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Public Domain Image

Bukod pa rito, ang mga bisita na maaaring dumalo sa pagdiriwang ng mga kaarawan at kasal ay magiging limitado na rin. Sa katunayan, ipagbabawal na ng Simbahan ang nakasanayang entourage o mga abay sa ilalim ng “new normal”. Nakasaad ito sa panibagong guidelines na inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o (CBCP) bilang pagsunod na rin sa ipinatutupad na social distancing.

“The Wedding Rites prescribed in the liturgical book have to be followed. But, due to the demand of social distancing, wedding celebrations this year will have to be simpler than the usual,” pahayag ng CBCP. “We have to forego all of the secondary elements of the normal wedding ceremonies, e.g., the wedding entourage (abays).”

Ayon pa sa CBCP, tanging ang bride at ang groom, magulang ng ikakasal, at isang set ng sponsors na lang ang papayagang makadalo sa seremonya ng kasal sa loob ng simbahan. Ito rin daw ay para sa mga magpapakasal lamang ngayong taon.

Imahe mula sa Facebook | Whalter Adan Fijer & Chinee Sinco

Samantala, umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa publiko ang naging desisyon ng CBCP. Ilang netizens din ang nagsabi na kung ganito ang magiging sitwasyon, makakatipid daw sa gastusin ang bride at groom.

“Puwede na magpakasal [ang] mga ‘di pa kasal. Makakatipid na kayo. Bawal din bisita eh,” ani ni Whalter Adan Fijer. “Hahahaha! Okay lang ‘yan. Tipid pa. ‘Yung iba pagkain lang naman habol nila d’yan,” biro naman ni Rensie R. Duena. 

Pero para sa iba, ayos lang daw ang ganitong setup lalo na’t ang mahalaga naman ay ang mismong seremonya ng kasal, ilang malalapit na miyembro ng pamilya, at ang presensya ng taong makakasama mo habambuhay.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: