Dalaga nag-confess ng kaniyang feelings sa crush gamit ang Spotify playlist

  • Kumalat online ang kuwento tungkol sa dalagang umamin ng kaniyang nararamdaman para sa lalaking kaibigan
  • Ngunit imbes na sabihin nang diretsahan, gumawa ang nasabing dalaga ng playlist na nagsasabing gusto niya ang lalaki
  • Nabasa at napakinggan ng lalaki ang playlist at mayroon din itong inamin sa dalaga

Ano ang iyong ginagawa kapag nagkakagusto ka sa isang tao? Inaamin mo ba ito sa kaniya? Nagpapadala ka ba ng love letter o ‘di kaya ay nakaka-chat na lamang siya araw-araw at sinasabihan ng “kumain ka na ba?”

Imahe mula kay Syljan Sison via Twitter

Sa modernisasyon at teknolohiya ngayon, mas marami na ang paraan upang umamin sa taong iyong nagugustuhan. Simpleng chat, text, tag, o post lamang ng pagpaparamdam sa taong crush mo ay madali na lamang gawin ngayon.

Kaya naman sinamantala ng isang dalaga ang teknolohiya at nauuso ngayon upang umamin sa kaniyang nagugustuhan na lalaki sa pamamagitan ng pagbuo ng playlist.

Ang nasabing playlist ay ginawa ng 19 anyos na dalaga na si Syljan Sison sa kilalang music streaming app na Spotify. Pag-aamin ng dalaga, ginawa umano niya ang playlist upang magpaalam sa nagugustuhang lalaki dahil pakiramdam niya ay gusto pa rin ng lalaki ang ex-girlfriend nito.

Imahe mula kay Syljan Sison via Twitter

“I thought he still had feelings for his ex, so ghosting my crush was better than getting hurt in the end,” ani Syljan. Ngunit imbes na tuluyan niyang layuan ang binata, ginawa ni Syljan ang playlist at ibinigay sa binata bilang pag-amin sa nararamdaman.

Ang nasabing playlist ay may pamagat na “ayaw kitang ighost hindi ako masamang tao.” At sa paglalagay niya ng mga kanta sa playlist ay nakabuo siya ng mga katagang: Hello, I like you pero I’m scared to get to know you. The closer I get to you parang I fall in love too easily. Sorry na, marupok teka lang, alam ko, rebound me, ayoko nang masaktan ‘yun lang. Bye bye, love u char char.

Kuwento ng dalaga, nakita at napakinggan daw ito ng kaniyang crush at inamin din nito na gusto rin siya nito ngunit ayaw lang umano niyang “maging assuming.”

Sa ngayon ay patuloy pa rin na nag-uusap si Syljan at ang kaniyang crush. Sana all, ‘di ba? Kinilig ka rin ba sa istorya nila? Baka panahon na para gumawa ka na rin ng playlist!


Loading...
Source :

Twitter, Candymag

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: