Class reporting days: Halos buong grupo ang may hawak sa isang Manila paper na visual aid

  • Isa sa mga hindi makalilimutang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral ang class reporting
  • Sa Facebook, ibinahagi ng isang user ang mga litrato ng grupo ng nagre-report kung saan halos lahat ng miyembro ay hawak ng isang Manila paper na visual aid
  • Marami ang nagbalik-tanaw sa mga panahon nila bilang mga estudyante, kung kailan para ba raw napakabigat ng Manila paper at napakarami pa ang kailangang humawak

Tanda mo pa ba ang iyong “class reporting days”?

Image captured from Facebook

Isa sa mga hindi makalilimutang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral ang class reporting. Dito ay nahahasa ang pagsasalita ng mga mag-aaral sa harapan ng marami, ang kakayahan nilang magbahagi ng kaalaman, at ang pagkamalikhain nila sa paraan ng pag-uulat.

Madalas ay gumagamit ng visual aid ang mga estudyante at karaniwang sinusulatan nila ng mahahalagang bahagi ng leksiyon ay ang Manila paper at ang kartolina.

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si JB Aquino ang mga litrato ng isang grupo na nagre-report sa harapan ng klase, kung saan halos lahat ng miyembro ay hawak ng isang Manila paper na visual aid. Biro niya, “Sobrang bigat ng Manila paper!”

Marami ang nagbalik-tanaw sa mga panahon nila bilang mga estudyante. Anila, madalas ay ganito rin sila noon habang nag-uulat sa harapan ng klase, halos lahat ng miyembro ay nakahawak din sa Manila paper kung saan nakasulat ang mga bagay na dapat tandaan mula sa kanilang ipinaliliwanag.

“Group activity,” kumento ng social media user na si Joffer Consigna Crispe. “Kahit nakatayo ka lang at hawak mo ang Manila paper, nag-participate ka na.”

“Para kunwari may naitulong,” sabi naman ni Jacquiline Kim.

Image captured from Facebook

As of writing, nakakuha na ng lampas 73,000 reactions at mahigit 158,000 shares ang nasabing post.

Ikaw, may ganito ka rin bang karanasan noong nag-aaral ka?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: