
- Sa gitna ng community quarantine na ipinatutupad sa gitna ng laban kontra COVID-19, mas naunawaan daw ni Chito Miranda ang mga sakripisyo ng stay-at-home moms
- Sa Instagram, ibinahagi ni Chito ang larawan ni Neri habang inaasikaso ang kanilang anak na si Miggy
- Aniya, ang pagsubaybay at pag-aalaga pa lamang sa kanilang anak buong araw ay hindi na biro
Dahil sa community quarantine na ipinatutupad sa gitna ng laban kontra COVID-19, mas naunawaan daw ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang mga sakripisyo ng stay-at-home moms.

Sa Instagram, ibinahagi ni Chito ang larawan ng kanyang maybahay na si Neri Naig habang inaasikaso ang kanilang anak na si Miggy. Aniya, ang pagsubaybay at pag-aalaga pa lamang sa kanilang anak buong araw ay hindi na biro.
“One thing na na-realize ko during this lockdown is sobrang hirap pala talaga ng ginagawa ni Neri bilang stay-at-home mom,” saad niya sa caption ng larawan.
“Don’t get me wrong. Sobrang masaya ako na nakakapag-stay ako sa bahay because of my long break from work, at masaya talaga ako na nakakapag-spend ako ng time with Miggy… pero I must admit, sooobrang nakakapagod pala talaga makipagsabayan kay Miggy day in, day out. Iisa pa lang siya niyan, a! Kailangan mo talaga sabayan iyong energy niya, e,” pagpapatuloy ng OPM legend.
Kaya naman daw hanga si Chito kung paano nagagawa ni Neri ang lahat, lalo na at may iba pa siyang tinatrabaho sa bahay bukod sa pagiging asawa at ina.
“Neri makes it look so easy. Sa lagay na iyan, may work pa siya (sobrang dami niyang deadlines), tapos may time pa siya magluto at mag-garden,” wika niya. “Kaya ngayon, lahat ng puwede ko ibawi, ginagawa ko. Gusto ko makapag-nap siya tuwing may chance. Gusto ko nagkakaroon siya ng ‘me time’ whenever possible. Pinagsisilbihan ko din siya hangga’t maaari. Nagkaroon talaga ako ng better understanding at deeper appreciation sa lahat ng ginagawa niya.”

Ipinaabot din ni Chito ang kanyang pagsaludo sa mga housewife.